Saturday, 16 August 2014

Movie Review: Barber’s Tales

Set in a remote province at the onset of Martial law in the early 1970s, the story revolves around the free-spirited and newly widowed Marilou who inherits their town’s only barbershop from her husband - a business that has been passed down by generations of men in her husband’s family. Having no other means to support herself, she musters the courage to run the barbershop, a traditionally male trade. However, despite the skills she gained from years of observation and being an assistant to her husband, as a female barber she fails to attract any customers. Nevertheless, things take an unexpected turn when Marilou gains the trust of other women in her community.



Maayos ang pagkakasulat ng pelikulang Barbers Tale. Isang mgandang kwento sa gitna ng isang makasaysayang pangyayari sa ating bansa. Nagustuhan ko kung paano isinulat ang pelikulang ito at kung paano inilahad ang istorya. Habang pinapanood mo ang pelikula ay unti unti mong nakikilala at lumalim ang bawat character sa pelikula. Madalang sa pelikulang Pilipino na natututukan ng husto ang mga karakter sa pelikula. Nakita rin sa pelikula kung paano naalagaan ni Direk Jun Lana ang kabuuan ng pelikula. Ipinakita rin sa pelikulang ito ang kalakasan ng kababaihan. The film provides us good combination of story of woman empowerment and leftist. 


Kung nasanay tayo na makita si Eugene Domingo sa mga pelikulang katatawanan, ibang Uge ang makikita niya rito. Isang seryosong aktres sa isang natatanging pagganap. Mahusay at may lalim ang pagkakaganap ni Uge rito bilang Marilou na isang babae na mas nakilala ang kanyang sarili pagkamatay ng kanyang asawa. Alam naman natin lahat na mahusay na aktres si Eugene Domingo at napatunayan niya ito sa larangan ng comedy na talaga namang mapapahalakhak tayo sa katatawa ngunit sa pelikulang ito ay napatunayan niya na may ibubuga din siya sa drama sa isang makabuluhang pelikula. Hindi rin magpapahuli sa pelikulang ito ang mga katuwang na artista sa pelikula. Umpisahan natin kay Gladys Reyes na nakapagbigay ng kagaanan sa pelikulang ito dahil sa character niya. Si Ms. Sharmaine Buencamino na as expected na nabigyan ng hustisya ang karakter sa pelikula. Si Iza Calzado na talaga namang ang lakas ng presence sa camera na bukod sa taglay na kagandahan ay napakahusay din sa pelikulang ito. Si Niko Manalo ay mahusay rin at maituturing na ngayong the next important actor in indie films dahil matapos manalo as Best Supporting Actor in Cinemalaya ay nagpakita naman ng kahusayan sa pelikulang ito. Si Nonie Buencamino, Sue Prado na markado din ang role, Daniel Fernando at Eddie Garcia ay pawang mahuhusay sa pelikulang ito.


Hindi rin matatawaran ang cinematography ng pelikula dahil na capture ng maayos ang environment sa isang malayong probinsya. Naappreciate ko din yung mga kakaibang shot at makabagong approach na ginamit sa pag capture ng eksena na alam mong pinagisipan ang bawat camera angle sa ibat ibang eksena. Kapuri puri din ang production design ng pelikula na nabigyan ng buhay ang isang komunidad sa panahon ng 1970’s. Kahit iilan lamang kami sa loob ng sinehan ay alam mo na ang lahat ng nanood ay nagustuhan ito dahil sa palakpakan na ibinigay nila pagkatapos ng pelikula. Hindi nakapagtataka na kinilala ang pelikulang ito sa ibat ibang international film festival dahil sa impact ng istorya ng pelikula sa mga manood. Ang Barbers Tale ay isang pelikulang Pilipino na dapat nating panoorin, suportahan at ipagmalaki.








My Verdict: 4/5








 

No comments:

Post a Comment