Sunday, 30 October 2022

Direk Perci does horror films to conquer his fears

 

By Archie Liao

Matatakutin ang award-winning director at producer na si Perci Intalan pagdating sa panonood ng horror films. Katunayan, nang gawin niya ang pelikulang Dementia ay kailangang i-force pa niya ang sarili na manood ng sandamakmak na pelikulang katatakutan. 

Kaya naman, para i-challenge ang sarili at ma-conquer ang kanyang fears, naisip niyang magdirek muli ng horror film pero this time of the slasher type. Aniya, bilang direktor, nahirapan daw siya sa paggawa ng dalawang horror films. "Mahirap sila pareho. Iba iyong set-up na kailangang gawin mo sa psychological at supernatural horror like Dementia. Mahabang build up siya na hindi mo puwedeng tumalon. Ito malapit siya sa Flight 666 na parang rollercoaster na kailangang ihanda mo kung kailan ibabagsak o itataas. Pareho silang kailangang i-respect mo iyong storytelling na needed for the genre or subgenre. 

But ultimately ang natutunan ko, you really just have enjoy it para ma-enjoy siya ng audience para mas relaxed. I'm more relaxed now unlike noong ginawa ko ang Dementia that I was very uptight, "aniya. Kumuha rin daw siya ng inspirasyon sa mga pelikulang Saw, Audition at iba pang mga katulad na pelikula. Tungkol din sa conflict ng social media influencers ang tema ng pelikula pero wala raw naman itong kinalaman sa away ng kontrobersyal na vloggers sa kasalukuyan. 

"Well I think iyon kasi ang pinakang relatable right now. Iyong milieu where you see iyong personality ng tao or variations of personality ng tao through social media.Digital media is the current style of storytelling. Kung itra-transpose mo kasi siya in different time, kakailangan mo pang puntahan ang mundo niya sa school,or sa office pero using social media, mas mabilis mag-cut sa vlog niya, nakikita mo na rin na ibang tao ang nagsasalita. That's a very convenient way to speed up the story . 

Magagawa mo siya pero mas matagal kung hndi iyon ang milieu, "paliwanag niya. Ang Livescream ay tungkol sa kuwento ng isang social media influencer na natagpuan ang sarili sa bingit ng panganib sa isang dark at isolated chamber. Pinagbibidahan ito ng multi-award winning actor na si Elijah Canlas bilang Exo, bilang isang selfish at ruthless social climber. Kasama rin sa cast sina Phoebe Walker, Kat Dovey, Lucky Mercado, Bob Jbelli at marami pang iba. Ang Livescream ay palabas na sa Vivamax Plus simula sa Nobyembre 9.

No comments:

Post a Comment