Thursday, 6 October 2022

Direk Mac Alejandre tells why collaboration with National Artist Ricky Lee ticks

 By Archie Liao

Waging best director sa prestihiyosong 4th Wallachia International Film Festival sa Bucharest, Romania ang magaling at award-winning director na si Mac Alejandre para sa pelikulang Silip sa Apoy na napapanood pa sa Vivamax. Para kay Direk Mac, lucky charm niya sa pagkapanalo ng award ang kaibigan at National Artist for Film at Broadcast Arts na si Ricky Lee.

Nagka-collab na sila sa mga pelikulang Kaputol at Tagpuan na naging kalahok sa 2020 MMFF. Dagdag pa niya, kung may bagay man daw silang pinagkakasunduan ni Ricky para sabihing subok na ang kanilang tambalan, ito raw ay ang pagiging passionate nila at hardworking sa anumang proyektong ginagawa nila. "Isa sa mga dahilan kaya kami nagkakasundo ni Ricky ay dahil we are both work hard. Yes, we work hard. That's the discipline I Iearned from my Mama. At totoo ang turo ng isa kong mentor, nothing good comes easy. Kaya working hard ang choice ko,” ani Direk Mac.

Sa bagong kolaborasyon nila na May December January, proud naman si Direk Mac na may bago siyang obra na makaka-relate ang lahat, maging ang millennials. Dagdag pa niya, iba raw ito sa mga relationship stories na na-tackle niya sa pelikula dahil simple lang ang kuwento nito bagamat extraordinary ang pinagdadaanan ng mga karakter nito. "Unang-una, lahat naman ng relasyon, may kanya-kanyang uniqueness.

Iba ito dahil we have three different characters na very mature, very open alng kanilang mga puso, very progressive ang manner nila ng pagbibigay respeto sa nararamdaman nila sa pag-ibig at sa mga taong mahal nila. Tungkol lang ito sa tatlong tao at sa nararamdaman nila, ganoon lang kasimple. Walang economic issue, walang isyu ng religion. We didn't want to go into that.

We just wanted to focus on three characters, "aniya." Ako, partial ako sa kuwento ng nanay na may anak na bading.Malaking bagay iyon. Tapos,kung paano nila iginagalang ang damdamin ng bawat isa at ang damdamin nila para sa iba, "dugtong niya. Ang May December January na palabas na lahat ng sinehan sa Oktubre 12 ay nagtatampok kina Andrea del Rosario, Gold Aceron at Kych Minemoto.

No comments:

Post a Comment