Thursday 11 January 2018

BG Productions International Upcoming Films


Hindi matinag ang BG Productions International sa patuloy na paggawa ng mga pelikula. Sa ginanap na media launch sa Marc Polo Hotel, ipinalabas ang teaser ng dalawang pelikulang na kasalukuyang tinatapos ng kompanya.

Ang una ay ang "Almost A Love Story" na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio kasama sina Lotlot de leon, Matet de Leon at Ana Capri mula sa direksyon ni Louie Ignacio. Katulong ang Salento Cinema sa Italya sa pagbuo ng pelikula. Magkakaroon ito ng mainstream release at ipalalabas rin sa takilya.







Ang ikalawang ipinalabas ay ang teaser ng Latay ni Ralston Jover na ang kwento ay tungkol sa battered husbnad at ang kanyang abusive wife na pinagbibidahan ni Allen Dizon. Si Lovi Poe o si Alesandra De Rossi ang napipisil na gumanap na asawa ni Dizon sa obra ni Jover. Tina-target ang pagsali sa mga international festival sa nasabing proyekto.




Sabay din inilunsad sa nasabing event ang mga naka line up na gagawin ng tatlong batikang direkctor na sina Joel Lamangan, Mel Chionglo at Louie Ignacio.

Sa project ni Joel Lamangan, kinakausap para magbida si Heart Evangelista sa project na "Angela Lumunsad" tungkol sa babae na napagkamalang guro sa bayan. Maiipit din siya sa sagupaan at pag ibig ng NPA laban sa sundalo na pareho niyang napaibig. Tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang kuwento kaya target na maipalabas ito sa mga eskwelahan.






Inihahanda na rin ang environmental project na "Maruming Hangin" na anti-pollution ang tema. Pinaplano ng BG productions na gawing possible entry for MMFF 2018 ang satirical comedy




For mainstream din ang project ni Mel Chionglo na kasalukuyang nakikipag negosasyon kay Lualhati Bautista para sa script na base sa libro niyang "Sixty In the City". Eto na kaya ang behikulo para kay Charo Santos na pinapangarap maka trabaho ng BG Prods CEO Baby Go?

Ang Cinemalaya entry ni Louie Ignacio na "School Bus" ay nakatakdang umpisahan sa Marso. First time ng BG, kung sakali ang lumahok sa prestihiyosong independent film festival sa Pillipinas. Excited rin ang Madam produ na gawin ang isa pang istorya ni Direk Louie tungkol sa unano wrestler at take note ang nag iisang superstar Nora Aunor ang napipisil na gumanap na ina ng mga unano.

May naka line up din na pelikula sina Jason Paul Laxamana, Neal Tan at Joey Romero. Masaya si Baby Go sa paggawa ng iba't ibang film projects. Pangarap din niya igawa ng movie ang Star for all Season na si Vilma Santos at makapagpatayo ng sinehan kung saan ipapalabas niya ang kanyang mga na produce na movie

"Passion ko na ang paggawa ng movie. Tumutulong din ako sa pagmamarket. Awa ng Diyos nabibili naman ang broadcast rights ng film namin kaya bumabalik ang pera kahit paano. Basta masaya ako sa pag-produce."


Here are some of the celebrities spotted at media launch of upcoming films for BG Productions International


Derrick Monasterio

JC Parker

Allen Dizon

Anna Capri

Paco Rabat

Nathalie Hart




No comments:

Post a Comment