
 
Tuloy-tuloy  sa paggawa ng mga bagong pelikuka ang BG Productions International ni  Ms. Baby Go. Ang BG Productions ang nagbigay sa atin ng mga pelikulang  Lihis, Lauriana, Bigkis, Homeless, Child  Haus, Sekyu, Laut, at Tupang  Ligaw. Ang ilan sa mga naka line-up na  pelikula na kanilang ipapalabas  ay ang Iadya Mo Kami na pinagbibidahan  nina Eddie Garcia, Aiko  Melandez, Diana Zubiri, Ricky Davao at Allen  Dizon sa direksyon ni Mel  Chionglo na itakdang ipalabas sa darating na  World Premiere Film  Festival Philippines bilang bahagi ng Filipino New  Cinema Section sa  June 29 - July 10, Siphayo na pinagbibidahan nina Joem  Bascon, Luis  Alandy at Nathalie Hart sa direksyon ni Joel Lamangan,  Balatkayo na  pinagbibidahan nina Aiko Melendez, Rico Barrera, Polo  Ravales, James  Robert at Nathalie Hart sa direksyon ni Neal Tan, at Area na   pinagbibidahan nina Aiai Delas Alas at Allen Dizon sa direksyon ni Loui   Ignacio na balak nilang isali sa darating na Metro Manila Film   Festival 2016. Ilan pa sa mga nakatakdang gawin na pelikula ay ang The   Smell of Fear mula sa italyanong direktor na si Paolo Bertola at Nuclear   Family sa direksyon ni Jason Paul Laxamana. Binabalak din gumawa ng family-oriented or comedy film ang BG upang mas lalong lumawak ang mga nanonood sa kanilang pelikula.
Kaya naman naglunsad ng mga bagong mukha ang BG Productions  International para maisama sa  kanilang mga pelikula at matulungan ang  mga baguhang artista sa  indusriya ng pelikula. Ilan sa mga pinakilala  ay sina James Robert na  isang Cebuano na mapapsabak sa mapangahas na  pelikulang  Balatakayo bilang anak ni Aiko Melandez na nagkaroon ng sex  video, Erika  Yu na nakagawa na ng ilang mga pelikula sa BG Productions  kabilang dito  ang Laut bilang kapatid Barbie Forteza, Alexis Yasuda na  naging bahagi  na ng ilan sa mga play sa CCP na nais din maging  manunulat at si J  Daniel Verano na naging 1st runner up sa Mister  Golden Universe.
Kabilang  din sa ipinakilala ay sina Grace Buenconsejo, Jenefer Verano,  Francis  Garde, Rafferty Manansala, Yvonne Aresu, Wynona Calderon at  Christine  Baretto.

 
  | 
| The Handsome Guys of BG Productions International: James Robert, Alexis Yasuda and J Daniel Verano | 
  | 
| The Beautiful Girls of BG Productions International: Yvonne Aresu - the beauty queen material, Grace Buencansejo - the promising actress, Wynona Calderon - the great singer. | 
  | 
| James Robert is to be launched soon in the film Balatkayo | 
  | 
| James Robert with Ms. Baby Go of BG Productions International | 
  | 
| Alexis Yasuda, and James Robert with Ms. Baby Go of BG Productions International | 
 
No comments:
Post a Comment