Thursday 21 January 2016

Matteo Guidicelli: Buwis Buhay Sa Mga Stunts Sa Tupang Ligaw


Isang malaking development sa acting career ni Matteo ang pagsabak niya sa isang action film na Tupang Ligaw kung saan  bidang bida siya at nagpakita ng mga buwis buhay stunts.




Gagampanan ni Matteo ang papel ng isang sundalong naghahanap sa kanyang kapatid na nawawala (played by Rico Barrera). Mapapadpad siya sa Barrio Paraiso, isang lugar na puno ng kasamaan na pinaghaharian ni El Diablo (Paolo Contis). Matutuklasan ng kanyang karakter ang trahedyang sinapit ng kaisa isan niyang kapatid sa kamay ni El Diablo. Makikilala rin niya sa lugar na iyon ang mag-ina ng kanyang kapatid (played by Ara Mina and child actor Johhny Regana). Mabibigyan ba niya ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid? Maliligtas na niya sa impyerno ang mga nakatira sa Barrio Paraiso? Tuklasin natin sa pelikulang  Tupang Ligaw ang madugong sagupaan ng kabutihan at kasamahan mula sa panulat at direksyon ni Rod Santiago prodyus ng BG Productions International.




Hindi lamang sa aksyon nagpakitang gilas si Matteo, siguradong mapapansin rin ang husay niya sa drama sa pelikulang Tupang Ligaw. Pinaiyak niya ang mga staff sa eksena kung saan napaluha siya sa galit sa puntod ng kanyang kapatid. Abangan ang Tupang Ligaw sa mga piling sinehan ngayung Pebrero 17. Isang napapanahong action film mula sa panulat at direksyon ng batikang komiks creator na si Rod Santiago.







No comments:

Post a Comment