By Archie Liao
Ayon
sa Mentorque Productions producer na si John Bryan Diamante, noon pa
man ay pangarap na niyang makagawa ng pelikulang pagbibidahan ng Star
for All Seasons na si Vilma Santos.
“Growing up, I’ve seen her movies, so I could say that I’m also a fan,” aniya.
Kaya
naman masasabing dream come true para sa kanya ang makapag-produce ng
pelikulang “Uninvited” na kalahok sa ika -50 edisyon ng Metro Manila
Film Festival.
“Actually, kami ni Ate Vi, madalas kaming nag-uusap
pero never kong naisip na balang araw ay magkakatotoo na gagawa kami ng
isang project,” sey pa niya.
Dagdag pa niya, nang nilatag daw ang proyekto ay wala sa isip nila na isali ito sa Metro Manila Film Festival.
“We
just wanted to create a film, a quality film that we could really be
proud of not only in the Philippines but globally, “ pahayag niya.
“Incidentally, napili siya sa MMFF so thankful kami,”pahabol niya.
Binigyan
din niya ng kredito ang multi-award winning actress sa naging
partisipasyon nito para maisakatuparan ang nasabing project.
“Walang
Uninvited kung walang Vilma Santos dahil istorya po niya ito. Actually,
sa kanya nanggaling ang istorya nito. Noong bago pa akong producer,
pangarap ko na po ang isang Vilma Santos. Ilang beses na po kaming
nagpi-pitch and then marami po siyang ibinigay para i-peg. Ito iyong
best na na-experience ko. Kasi di naman sa pag-aano, ang pangalang Vilma
Santos is already bigger to any movie that we can create. We never
expected we could do “Uninvited”but we were able to put it off. She is
the heart and soul of “Uninvited,” deklara niya.
Nagpapasalamat din siya sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng Warner Brothers na siyang distributor ng kanilang MMFF entry.
“I’m
also grateful for the trust na ibinigay sa amin ng Warner na naging
partner namin sa success ng “Mallari” last year. Malaking bagay iyong
seal of approval nila,” bulalas niya.
Bukod kay Vilma, tampok din
sa “Uninvited” ang dalawang award-winning actors at MMFF hitmakers na
sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Katuwang ang Project 8 Projects,
ang “Uninvited” na mula sa direksyon ni Dan Villegas at iskrip ni Dodo
Dayao ay mapapanood na simula sa Araw ng Pasko, Disyembre 25 sa lahat ng
mga sinehan sa buong bansa.
Tampok din sa powerhouse cast sina
Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK
Bagatsing, Lotlot De Leon, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Gio Alvarez,
at Ron Angeles.
No comments:
Post a Comment