By Archie Liao
Due to insistent popular demand, nag babalik ang makalaglag-panty at tinitiliang macho boy group na "Magic Voz" na inspired ang pangalan sa pamosong male strip show na "Magic Mike." Muli na naman silang magpapasiklab sa isang mainit at maharot na gabi ng kanilang pagtatanghal.
Magaganap ito sa Nobyembre 29 sa Viva Cafe sa Quezon Cafe sa ganap na alas-9 ng gabi. Ang Magic Voyz ay binubuo ng walong miyembro na sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones , Asher Diaz at si Johan Shane. Sila ay hawak ng Viva Records at LDG Productions ng kilalang talent manager na si Lito de Guzman.
Ang first single nila ay ‘Wag Mo Akong Titigan.’ Mula nang ilunsad sila noong Oktubre 27 ang kanilang second single na "Bintana" pati na ang music video nito ay naging bukambibig na ang kanilang kahusayan sa pagkanta at pagsayaw. Sa kanilang ikatlong show, tampok din ang mga naggagagandahang sex sirens na sina Marianne Saint, Krista Miller, Yda Manzano, Megan Marie at Ram Castillo. Kasama ring magpe-perform ang Jo and D Holy Notes. For booking inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa kanilang Facebook page. Maaari ring tawagan sa Viva Artists Agency at sa cell number na 09178403522.
No comments:
Post a Comment