Isang nakagugulat at masakit na revelation ang natuklasan ng aktres na si Ana Roces nang malaman ang katotohanan tungkol sa isang mamahaling singsing na binili niya sa halagang ₱3 million.
Ang akala niya? Isang natural diamond na high-value investment. Ang totoo? Zirconia lamang ito at 14 karats gold — malayong-malayo sa inaasahan niyang kalidad.
Plano sana niyang ibenta ito sad Maddox_Jewelry at the same time, mamimili rin. Ngunit sa halip na good news, isang masakit na katotohanan ang bumulaga sa kanya.
Sa presyong ₱3 million, natural lamang na asahan ang tunay at mataas na kalidad na diamond. Ngunit sa halip, zirconia pala ang bato—isang malaking difference pagdating sa value na ang presyo lang talaga ay P41,800!
Sa gitna ng emosyon, nariyan si Charo Cordial, CEO at Founder ng Maddox Jewelry, na agad nagpaabot ng suporta.
"Open ang Maddox para kay Ana anytime,” pahayag ni Charo.
Bukod sa pagiging CEO, mas lalo ring nakikilala si Charo bilang trusted vlogger of the stars, kung saan ibinabahagi niya ang real talk tungkol sa jewelry authentication, luxury investments, at kung paano hindi maloloko sa high-value purchases.
Sa kabila ng heartbreak, nananatiling graceful si Ana. Nangako siya kay Ms. Charo na babalik siya para muling bumili, pero sa ngayon, kailangan muna niyang tanggapin ang nangyari at mag-move forward.
Isang mahalagang lesson ito hindi lang para sa mga celebrities, kundi para sa lahat: hindi lahat ng kumikislap ay tunay na diamond.
Thursday, 19 February 2026
Ana Roces, Naloko sa ₱3M Diamond Ring?! Zirconia Lang Pala!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment