Thursday, 19 February 2026

Surprise Proposal Ring ni Joshua Zamora sa Sexbomb concert kay Jopay Paguia, worth 2M nga ba na binili sa Maddox?

 

Isang napaka-emotional at kilig-filled na moment ang naganap sa matagumpay na Get, Get Aw! concert nang muling mag-propose si Joshua Zamora kay Jopay Paguio — kasama ang kanilang dalawang anak na babae sa entablado.

Para sa espesyal na okasyong ito, pinili ni Joshua ang isang proposal ring mula sa Maddox by Charo Cordial, ang fine jewelry brand na itinatag ni Charo Cordial. Ang nasabing ring ang simbolo ng kanyang renewed commitment at mas matibay na pagmamahal para kay Jopay.

Sa harap ng libu-libong fans, naging isa ito sa pinaka-highlight ng gabi — isang moment na puno ng love, family, at second chances. Agad itong nag-viral sa social media at umani ng napakaraming positive reactions mula sa supporters ng couple at concertgoers.

“We are truly honored na maging part ng ganitong klaseng milestone,” pahayag ni Charo Cordial. “At Maddox, we believe that every ring tells a story. Knowing na ang piece na ito ang naging simbolo ng kanilang renewed promise — in front of their daughters and thousands of fans — sobrang meaningful nito para sa amin.”

Kilala ang Maddox by Charo Cordial sa paggawa ng timeless at elegant pieces na perfect para sa engagements, weddings, anniversaries, at iba pang life milestones pero hindi mawawasak ang bulsa. Patuloy itong nagbibigay ng mga alahas na hindi lang maganda, kundi may kwento at emosyon na dala. Ang tanong, ang WG 2CT Solitaire Ring na surprise proposal ring ni Joshua kay Jopay ay nagkakahalaga nga ba ng 2 milyon?

Find out more of Joshua's story on Maddox_Jewelry sa You Tube. 

No comments:

Post a Comment