By Archie Liao
Pagkatapos na magpakitang-gilas sa mga pelikulang “Hospicio”, “Hellcome Home” at Tahan”, kakaibang putahe naman ang handog ng magaling na director na si Bobby Bonifacio, Jr. sa Vivamax movie na “Bula.”
Aniya, refreshing daw na pagkatapos ng horror movies na nagawa niya ay nabigyan siya ng pagkakataong makapagdirehe ng kakaibang obra na isang black comedy.
“Nandoon pa rin ang elemento ng violence sa kuwento. Hindi man kasingdugo ng previous movies ko, kasing-baliw din naman siya ng mga nauna kong obra,” aniya.
Dagdag pa niya, nag-eenjoy daw siya sa paggawa ng mga pelikulang twisted ang characters.
“Basta mga twisted na kuwento, gusto ko. Iyong mga psychological drama ni Pedro Almodovar gaya ng “Talk to Her” ang paborito ko noon. Sa recent works naman, peg ko ang mga ginagawa nina Arri Aster, Jordan Peele at M Night. Mahilig din ako sa campy horror gaya ng Little Shop of Horrors, Drag Me to Hell, Midsommar, at iba pa,”pagbabahagi niya.
Naisip daw niyang masarap paglaruan ang kuwento ng isang animoý inosenteng babaeng nasa loob ang kulo sa kanyang latest directorial effort.
“Mula sa regular visits ko noon sa isang laundromat para maglaba, nakahumalingan kong makagawa ng isang disturbing na kuwento tungkol sa isang mistulang inosenteng gawain. Ang paglalaba. Paano kaya kung ang mga sikretong naiipit sa ating mga labada ay palihim na nabubulatlat ng iba at ginagamit nila sa sarili nilang mga pantasya? Iyon ang premise ng kuwento,”pagbabahagi niya.
Aniya, mismong ang journey daw ng character ni Meldie ang gusto niyang mapanood ng viewers sa kanyang black comedy.
“Mas gusto kong sundan ng mga tao ang kabaliwan ni Meldie at hayaang dalhin niya tayo sa kung saan niya tayo puwedeng dalhin dahil siya mismo ang bentahe ng pelikula,”saad niya.
Makabuluhan din daw ang mensaheng gusto niyang ipaabot sa fans ng ganitong klaseng genre.
“Isa sa biggest takeaway ng movie is “Sa likod ng malilinis na mga damit, maraming nakatagong kabaliwan sa mundo…kaya, ingat na lang dahil baka mahanap mo ng katapat mo,” esplika niya.
Consistent din ang papuri niya sa kanyang competent cast na ginawa ang lahat para mapaganda ang kanilang pelikula.
“Masarap katrabaho ang mga bagong artistang ito kasi very disciplined sila at committed sa kani-kanilang mga role. May magic si Ayanna at sa tingin ko, ang dami pa niyang puwedeng gawin at marami pang magmamahal sa kanya bilang artista. Si Gab at Rob din, sobrang gaan katrabaho at impressed at well -appreciated ko rin ang commitment nila. Si AJ, second time ko na makatrabaho at ni-request ko talaga siyang mai-cast dahil malakas ang presence na naipakita niya sa Tahan noon,” pagwawakas niya.
Ang BULA ay tungkol kay Meldie (Misola), isang laundromat attendant na may secret obsession. Inuuwi niya ang damit ng mga customer niya at ginagamit ang mga ito para ma-satisfy ang kanyang ‘fetish.’ Aabot sa puntong kahuhumalingan ni Meldie ang customer niyang pulis (Lagman) at kasintahan nitong starlet(Guinto). Mula noon ay hindi na titigil si Meldie upang makamit ang hangad niyang pantasya. Kung saan dadalhin si Meldie ng kanyang kahibangan ay dapat na abangan.
Pinagbibidahan ng Vivamax sex siren na si Ayanna Misola, (Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, Kinsenas, Katapusan, Putahe, Siklo) tampok din sa pelikula sina Rob Guinto (Ex Deal 2,Virgin Forest) at ang Viva hottie na si Gab Lagman.
Mapapanood na sa Vivamax simula sa Setyembre 2, kasama rin sa cast sina Mon Confiado at AJ Oteyza.
No comments:
Post a Comment