Thursday 25 August 2022

Cult director Roman Perez, Jr. talks about “Sitio Diablo” his latest directorial effort

 

By Archie Liao

Ayon sa cult director na si Roman Perez, Jr. (Taya, Putahe, Hugas, Siklo, House Tour, Ang Babaeng Nawawala sa Sarili), originally ay isinumite niya para sa Cinemalaya ang script ng “Sitio Diablo”subalit ang kanyang horror movie na “Kaluskos” ang napili.

Marahil daw kaya hindi nakapasa sa panlasa ng selection committee ang kanyang materyal ay dahil sa hardcore na tema nito.

Kaya naman, natutuwa raw siya dahil nang i-pitch niya ito sa Viva ay nagkaroon agad ng interes si Boss Vic del Rosario, Jr. na gawin ito.

Sa original script, ang in-envision daw niyang bubuo sa cast ay pulos rapper at walang artistang bida pero dahil sa Vivamax ito ipalalabas, nagkaroon daw ng mga pagbabago sa kuwento.

Dahil hot at in-demand sa Vivamax si AJ, ginawa raw niyang tailor-made ito sa aktres sa bagong mainstream version nito.

Paliwanag pa ni Direk Roman, relevant daw ang temang tinatalakay sa kanyang pinabagong obra.

“It’s about gang war, it’s about urban culture, kalye hiphop. It’s about music and also it’s about politics,”paliwanag niya.

Marami rin daw ang makaka-relate sa Sitio Diablo dahil sumasalamin ito sa totoong nangyayari sa bansa.

“It’s a family story na merong love pero hindi siyang rom-com type. Medyo dark siya. It also tackles not only about gang war kundi iyong struggles noong nasa ilalim ng lipunan at kung paano sila mina-manipulate ng society. Ito iyong Tondo na kahit sa modern setting ay nangyayari sa Baseco o sa Del Pan dahil bukod sa gang war ay may ipinakikita rin dito tungkol sa drugs, robbery, possession of illegal firearms and even murder kaya nagkaroon ng Sitio Diablo,”ani Direk Roman.

Dagdag pa niya, ito rin daw ang tamang acting vehicle kay AJ dahil gusto nitong ipakita ang iba niyang side as an actress.

“Ni-request talaga niya noon nang mag-usap kami na action ang gusto niyang gawin. Kasi, gustong niyang paghandaan sakali na makatrabaho niya ang kanyang ama na isang action star. Nasa point kasi siya na gusto na siyang mag-transition sa pagiging action star.  Pero hindi naman nawawala iyong sexy scenes niya dahil palaban talaga siya at lumaban kina Azi Acosta at Shiena Yu sa pagpapaseksi,” bida pa niya.

Katunayan, sobra raw siyang napabilib kay AJ dahil sa pagiging matapang nito at astig sa kanyang action sequences na nag-aral pa raw ng combat fighting para lamang sa kanyang mga eksena sa pelikula.
 
Ang Sitio Diablo ay tungkol sa tunggalian ng grupong Los Hijos Diablos at ng mortal na kaaway nitong Ilustrado gang para sa kanilang teritoryo. .

Palabas na sa Vivamax simula sa Agosto 26, pinagbibidahan ito nina AJ Raval, Kiko Estrada at Benz Sangalang.
Nasa cast din ng pelikula sina Joko Diaz,Ruby Ruiz, Azi Acosta, Karl Aquino, Pio Balbuena, Cean Jr., Ace Raval, Massimo Scofield, Shiena Yu, Just Hush, Because at marami pang iba.

Palabas na ang pelikula sa Vivamax simula sa Agosto 26.


No comments:

Post a Comment