Tuesday, 11 September 2018

Direk Roman Perez says “Sol Searching” is an anti-structure satire film



By Archie Liao

First full-length film ng magaling na writer na si Roman Perez, Jr. ang pelikulang “Sol Searching” na kalahok sa ikatlong edisyon ng Tofarm Film Festival. Isa itong dark comedy na ayon sa kanya ay hango sa tunay na buhay. “Found story kasi ito na script ko kay Bing Lao. Totoong nangyari siya sa Caloocan, na isang titser , namatay na walang mapagburulan. Dinala siya sa barangay, pinalipat. Dinala siya sa chapel, pinalipat. Dinala siya sa iskul, nag-away-away iyong mga tao. So, si Sol, iyong teacher, para siyang naghahanap ng kanyang place under the sun,” pagkukuwento niya. Ipinaliwang din niya kung bakit hindi maipalibing si Sol, ang pangalan ng titser na karakter sa kanyang obra. 


“Wala kasi siyang immediate family. Walang mag-aasikaso. Wala siyang asawa. Hiniwalayan siya ng asawa, iniwan ng anak. Ayaw siya ng community. Ayaw din siya ng simbahan. Ayaw din siya ng co-teachers niya,” aniya. Relatable rin daw ang kuwento dahil nangyayari ito sa tunay na buhay. “Nangyayari naman iyon. Sa simbahan, kapag hindi bininyagan o nagpakamatay, hindi tinatanggap. Sa Found Story ko talaga, hindi siya Katoliko. Born again-Christian siya,” hirit niya. 

Bagamat isa siyang komedya, seryoso naman daw ang mensaheng gustong iparating ng pelikula. “Ang point ko sa pelikula, paano itong teacher-farmer na ito? Totoo na hindi natin siya napapahalagahan , saan ang space niya? Marami pala siyang natulungan. Marami pala siyang napag-aral na farmers pero eventually, noong namatay siya, walang tumulong sa kanya. 

Lahat ng mga tao, na-touch niya. Lahat ng mga tao, natulungan niya. Kahit iyong mga farmers naturuan niya. Lahat sa community, kilala siya. Iyong farming community, iyon ang pinakang-milieu ng pelikula,” esplika niya. Dagdag pa niya, maituturing ding satire ang nabanggit na Tofarm entry. “Satire siya although mukha siyang malalim. 

Sabi nila, it’s more of anti-structure. Anti-institution din sa church, sa society, sa political machinery. Kasi political din iyong nangyari sa kanya kasi kaaway niya iyong mayor, so walang pakialam sa kanya ,so ganoon ang itinatakbo ng kuwento ni Sol,” pagtatapos niya


Tampok sa “Sol Searching” sina Pokwang, Joey Marquez, JM Salvado at . Gilleth Sandico bilang Sol. Palabas na ang pelikula sa mga piling sinehan tulad ng Trinoma, Gateway, Greenbelt 1, SM Megamall, Sm Manila, Robinsons Galleria , Gaisano Davao at Ayala Legazpi (Bicol) mula Setyembre 12 hanggang 18.
 
 
 
 
 

No comments:

Post a Comment