By Archie Liao
Naging co-producer si Bryan Dy ng kontrobersyal na pelikulang “My Father, Myself” na naging kalahok sa Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon.
Katunayan, kahit hindi nag-number one sa takilya, happy naman siya sa naging resulta at reviews ng nasabing Joel Lamangan megger.
“From the start naman, I know the risk. It was set on our expectation. Okay naman kami doon. Wala akong problema. Actually, it’s going to be shown on Viva One na,” ani Bryan.
Sa taong ito, going solo siya as a producer at magiging first project ng kanyang Mentorque Productions ang horror movie na “Mallari” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.
Ayon pa sa butihing producer, excited siya sa kanyang bagong role as a full time producer.
“Excited na kinakabahan because there will be things na gagawin namin na never pa naming nagagawa. Ako, mapapansin mo, iyong dating pelikula ko, wala akong karapatang ma-involved kasi bago pa lang ako noon. I was only an observer, camera works, kung paano mangyayari, ganoon at natutuwa ako dahil marami akong natutunan doon… 3:16 kay Inay Len and with Viva, so marami akong natutunan doon. But I think, it’s time, the perfect time to really embark on our own,”paliwanag niya.
Dagdag pa niya, hands-on din daw siya sa pag-ooversee ng kanyang passion project na “Mallari.
“This one is a solo film of Mentorque Production. Ako talaga iyong involved. I was very makulit. I’m really part from beginning to end sa pagpili, sa mangyayari, sa lahat,” aniya.
Pagbibida pa niya, marami raw na ipinitch na concept sa kanya, pero ang “Mallari” ang napili niya.
Kinabahan din daw siya noon dahil hindi siya sigurado kung mapapaoo niya ang ultimate leading man na si Piolo Pascual na gumanap ng role bilang serial killer knowing his filmmography.
“Nakadalawang zoom kami with Piolo kaya kinabahan kami. Baka ang ending, sabihin niya, ‘sige,tatawagan ka na lang namin kayo’. Ako naman, I did my study, I tried to hire the right people to really make sure kasi just to be honest I just started a year pa lang. Ano ba naman ang Mentorque Productions para sa isang Piolo Pascual to say na “sige gawin ko iyan kasi Mentorque iyan.” Marami pa kaming kailangang patunayan.
At the end of the day, sigure iyon iyong isang bagay na challenging din kasi nagsisimula pa lang kami. Nagsisimula pa lang ako and with this, natutuwa kami, not just for the trust na ibinigay sa amin ni Piolo kundi naniniwala rin siya sa vision namin,” esplika niya.
Bukod sa isang producer, isa ring public servant si Bryan.
Gayunpaman, nababalanse raw niya ang kanyang oras lalo na’t passion din talaga niya ang mag-prodyus ng pelikula at makapagbigay ng oportunidad at trabaho sa mga manggagawa sa local movie industry.
“That’s what inspires me also, the creatives and the challenges that go with it. Siguro habang bata pa, habang may lakas pa, kasi konti lang iyong nabibigyan ng ganitong pagkakataon, gawin na natin. At least for me, doing “Mallari” isa an opportunity, so why not go for it?”, deklara niya.
Nilinaw din niya na kahit magso-solo ang Mentorque this time, open pa rin daw siya sa collaboration sa ibang film producers.
“Open pa rin ako sa collaboration. There are things I cannot do on my own,”aniya. “May mga discussion din kami ni Nay Len (Carillo), tinitingnan naman niya. She expressedly supports what I’m doing now,”pagtatapos niya.
Ang "Mallari" na isang fictional story ay halaw sa tunay na kuwento ni Fr. Severino Mallari, isang paring serial killer noong 1840 na pumatay ng 57 na tao sa Pampanga.
Mula sa produksyon ng Mentorque Productions ni John Brian Diamante (Brian Dy) at sa direksyon ng acclaimed director na si Derick Cabrido (U-Turn, Clarita, Tuos, Children's Show) at sa panulat ni Joaquin Enrico Santos, ang pelikula na first horror movie ni Piolo Pascual ay intended sa 2023 Metro Manila Film Festival.
No comments:
Post a Comment