Thursday, 21 April 2022

McLisse believes in ‘forever’

 

By Archie Liao

Para kina McCoy de Leon at Elisse Joson, naniniwala silang destiny ang naglapit sa kanila sa isa’t-isa. Pati raw ang panahong nagkalabuan ang kanilang relasyon ay bahagi lamang daw ng itinadhana para sa kanila. Marahil, nangyari raw ang lahat para ihanda sila sa mga pagsubok sa kanilang relasyon na mas nagpatatag sa kanila. 


Naniniwala rin kasi sila sa kasabihang “Love is lovelier the second time around.”
Sey pa ng dalawa, this time,  natagpuan na nila ang kanilang “forever”sa piling ng isa’t-isa. Ayon pa kay McCoy, hindi raw naman siya pumapasok sa relasyon kung hindi ito pangmatagalan.  Paliwanag naman ni  Elisse, nasa punto na raw siya ng kanyang buhay na gusto na talaga niyang magkaroon ng sariling pamilya.
Hirit pa nila, marami raw silang natutunan bilang couple sa isa’t-isa.
Bagamat kilala na raw nila ang isa’t-isa, mas lumalim daw ang kanilang samahan ngayon.
 

Katunayan, dahil kabisado na nila ang isa’t-isa, nakakapag-adjust na sila sa ugali ng bawa’t isa.  Mula rin daw nang magkaanak sila at dumating sa buhay nila si Feliz, nabago din daw ang lifestyle nila. Pagbabahagi ni Elisse, iginive-up daw ni MCoy ang kanyang lifestyle bilang bachelor.  Tulad niya, bawas na rin daw ang oras nito sa kanyang friends at mas pinipili pa nitong maka-bonding at mag-stay sa bahay kasama ang kanilang anghel na si Feliz. Sa ngayon daw, mas prayoridad nila ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang bunso lalo na’t hindi raw naman ‘forever’ ang pag-aartista.


Sina McCoy at  Elisse Joson ay reunited sa pelikulang “Habang Buhay” tungkol sa kuwento ni JR, isang isang houseboy na nahulog ang loob kay Bea (Elisse), sa isang babaeng may sakit na  Common Variable Immune Deficiency (CVID).
Kahit mababa ang proteksyon o immune system, nanatiling positibo ang pananaw ni Bea. Nag-e-enjoy siya sa sariling mundo na puno ng musika, pangarap at imahinasyon. Live streaming ang kanyang paraan para makasalamuha ang ibang tao. 


Dahil kay JR, nabago ang pananaw niya sa buhay.
Dahil sa interes din sa musika, naging malapit sila sa isa’t-isa hanggang tuluyan silang ma-in love. Mas binibigyang kulay ni JR ang mundong nakasanayan ni Bea, at para sa kanya, si JR ang kanyang “safe space”. Pero bigla na lang tila lumalayo si JR. Paano na ang pangako nito na magtatayo sila ng sariling pamilya at magsasama habangbuhay?
 

Ang “Habangbuhay” ay mula sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Real Florido. Pinarangalan siya bilang Best Director sa London Film Awards at nagwagi ng Best Feature Film sa Canada International Film Festival para sa pelikulang “1st Ko Si 3rd”. Nakatanggap rin ang pelikulang ito ng Gender Sensitivity Award sa QCinema International Film Festival. Ang “Habang Buhay” na  balik-tambalan ng Mclisse pagkatapos


No comments:

Post a Comment