Saturday, 23 April 2022

Marco Gallo is optimistic that moviegoers are ready to flock back to big screens

  By Archie Liao

Excited si Marco Gallo dahil showing na ang horror movie niyang “Rooftop” simula sa Abril 27 sa lahat ng SM Cinemas. Ang nasabing obra ng acclaimed director na si Yam Laranas ((Sigaw, The Road, Aurora, Nightshift) ang kauna-unahang Pinoy film na ipalalabas sa cinemas pagkatapos ng pandemya. Aniya, naniniwala siyang ready na ang moviegoing public na magbalik sa mga sinehan sa panahon ng ‘new normal.’ “People are now flocking to the malls. 

And I think, it’s good sign,” sey ni Marco. “Besides, it’s quite different when you movies on the big screen. You could appreciate it more especially when you’re watching a horror movie,”dugtong niya. Ang Rooftop ay kuwento ng magbabarkada na napahamak dahil sa kanilang mga mali at mga makasariling desisyon. Habang naka-summer break sila, naisipan nilang magse-setup ng secret party sa rooftop ng kanilang campus kung saan inimbita nila at ginawan ng prank ang isang outsider na mauuwi sa pagkamatay nito. 

Pero sa halip na umamin at managot sa nangyari, tatakasan nilang magkakaibigan ang trahedya at pagtatakpan ang isa’t isa at mangangakong walang sinuman ang dapat makaalam sa nangyari sa rooftop. Subalit, magiging mapaglaro ang pagkakataon dahil uusigin sila ng kaluluwa ng estranghero para pagbayarin sa kanilang mga kasalanan. 

Ayon kay Marco, nakaka-relate raw siya sa kanyang role dahil noong kapusukan ng kanyang kabataan ay masasabing pasaway din siya. May pagkakataon daw na pinagtripan din niya o ginawan ng prank ang isang kaibigan sa pamamagitan ng paglalagay ng sili rito na muntik nang ikadisgrasya ng mga paningin nito. Gayunpaman, pinagsisihan daw niya ang ginawa niyang iyon kaya’t ipinapayo rin niya sa millennials na huwag gayahin. Kasama sa cast ng Rooftop sina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz,Rhen Escano, Andrew Muhlach at Epy Quizon.

 

No comments:

Post a Comment