By Archie Liao
Pagdating sa pagkilatis ng talento, bibilib ka talaga sa kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman, at philanthropist na si Wilbert Tolentino.
Kumbaga, he knows a gem when he sees one.
Unang tingin pa lang kasi niya sa social media sensation na si Madam Inutz o Daisy Lopez ay alam niyang malayo ang mararating nito.
Hindi naman nagkamali si Wilbert na i-manage ang kanyang bagong alaga na ngayon ay isa nang certified recording artist at pinag-uusapan ang debut single na "Inutil."
Nagpahayag din siya ng paghanga sa singing voice ni Madam Inutz.
“Meron siyang unique na raspy voice. Bagay sa kanya ang mga Novelty, Rap, Hiphop, Rock, lalong-lalo ang mga Tunog Kalye. Bagay sa kanya ang mga estilo nila Sampaguita, Aegis, o Up Dharma Down,"sey niya.
“Mabilis niyang natutunan ang mga melody ng kanta at kaya niyang baguhin ang atake ayon sa kanyang style. Sobrang professional at walang reklamo sa oras, kahit inabot ng madaling araw sa pag-shoot ng music video,”
dugtong pa niya.
Makahulugan din daw ang pinili nilang piyesa bilang debut single ng popular na online seller turned vlogger.
“Ang kanta na ito ay introduction ng buhay niya bilang isang Madam Inutz. Kung sino ba siya at paano siya nagsimula,” sambit ng pilantropo." Pasok sa pagkatao niya at sa kanyang boses .Higit sa lahat, pangmasa. Madali rin itong sayawin, madaling kantahin plus, mahalaga na catchy talaga ang song,.”pahabol niya.
Sa parte naman ni Madam Inutz, blessing para sa kanya ang mai-manage ni Wilbert.
"Laking pasasalamat ko sa pagkakataong ibinigay sa akin na magkaroon ng debut single sa edad kong ito, hahahaha! Sa dinami-dami ng mga mas bata sa akin na nangangarap maging isang recording artist at may sariling music video, ako pa ang napili ng Tadhana. Sa tulong ito ng aking one and only manager na si Sir Wilbert,” masayang wika ni Madam Inutz.
Ayon naman sa composer ng awiting si Ryan Soto, pinag-aralan muna niya kung anong genre ang babagay sa boses ni Madam Inutz at anong wika and since nakilala ito sa kanyang mga famous catchphrases sa kanyang pago-online selling tulad ng salitang INUTIL, GUNGGONG, OH JIIIEVA at marami pang iba, naisip niyang swak ang INUTIL bilang introductory song ni Madam Inutz.
Ang INUTIL ay mapapakinggan na sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, atbp.
No comments:
Post a Comment