By Archie Liao
Hindi pa man ipinalalabas ang kanyang pelikulang Anak ng Macho Dancer ay gumagawa na agad ito ng matinding ingay. Bukod sa mapangahas ang mga bida rito, napapanahon din ito dahil tumatalakay at sumasalamin din ito sa isyung panlipunan. Isa sa tiyak na pag-uusapan ay ang baguhang aktor na si Mhack Morales na bago pa man sumabak sa pag-aartista ay marami nang hanapbuhay na pinasok.
Hindi rin niya ikinaila na laki siya sa hirap. Katunayan, pang-MMK daw ang buhay na dinanas niya habang lumalaki. Naging basurero raw siya at nangalakal ng junk. Pumasok din siya sa odd jobs tulad ng pagiging mascot. Hindi rin niya ikinahihiya na nagtinda siya ng mani dahil for him, 'mani' is life.
"Natulungan po siyang tustusan ang pag-aaral ko at wala naman akong dapat ikahiya dahil disente naman po siya at wala kang tinatapakang tao,"aniya. Nagtapos ng Bachelor of Science in Physical Education si Mhack sa University of Manila. Nagturo rin raw siya at naging titser sa grade school. Pinasok din niya ang mundo ng pageantry kung saan naging finalist siya sa Macho Men ng Eat Bulaga.
"May nagsabi sa akin na may hitsura ka at puwedeng artista," pahayag ni Mhack."Ako naman, talagang hilig ko siya.Gusto kong matuto ng acting,"dugtong niya. Aniya, iba rin daw ang kaway sa kanya ng showbiz. "Excited ako kasi gusto ko rin talaga ang pag-aartista.Gusto kong patunayan na more than the looks, may talent po ako," bulalas niya.
Kahit talamak ang indecent proposals sa showbiz, hindi raw siya natutukso dahil mas gusto niyang pagtuunan ang kanyang trabaho. Biggest break ni Mhack ang Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean de Guzman. Bilang isa sa macho dancers, mapangahas daw ang kanyang papel.
"Ako iyong bosero rito. May masturbation scene ako at frontal nudity," pagbubunyag niya. Dagdag pa niya, isang karangalan para sa kanya ang maidirek ng award-winning director na si Joel Lamangan. Aminado rin siyang nasigawan ni Direk Joel at natawag na tanga pero hindi raw niya minasama iyon bagkus naging motivation daw iyon para pagbutihin niya ang kanyang trabaho.
Iprinudyus ng Godfather Productions ni Joed Serrano, kasama rin sa Anak ng Macho Dancer sina Ricky Gumera, Miko Pasamonte at Charles Nathan.
No comments:
Post a Comment