Tuesday 26 January 2021

Gerald Santos, excited to work with his childhood crush

 

By Archie Liao

Dream come true para sa international balladeer at Broadway actor na si Gerald Santos ang makasama sa isang proyekto ang magaling at award-winning actress na si Claudine Barretto.

Malaking break din para sa kanya na siya ang magiging love interest ng Optimum Star sa isang pelikula na ididirek ni Joel Lamangan at iproprodyus ni Atty. Ferdinand Topacio under Borracho Productions.

Aniya, malaking karangalan para sa kanya ang makatambal si Claudine.

"Noon pa man, childhood ko na siya.Fan din ako ng movies niya like Milan at Got 2 Believe, so it's really an honor na makasama siya," sey ni Gerald.

Flattered din siya sa sinabi ni Claudine na sa mga naging leading men niya, nakikita niya kay Gerald ang mga katangian ng ex nitong si Rico Yan.

"Coming from Ms.Claudine, it's really a compliment.Parang paalala lang siya sa akin na pagbutihin ko ang trabaho ko," hirit ni Gerald.

Feeling din niya, marami siyang matutunan kay Claudine pagdating sa acting.

May love scene rin raw sila ng premyadong  aktres sa comeback movie nito at ngayon pa lang ay pinaghahandaan na raw niya ito.

"Siyempre, kinakabahan ako pero talagang paghahandaan ko iyon," pagtatapos niya.

Si Gerard ay nagwagi bilang Performer of the Decade para sa San Pedro Calungsod The Musical sa 2020 Broadway World Awards.

Nakatakda rin niyang gawin ang I Will: The Musical na halaw sa buhay ng celebrated doctor at public servant na si Willie Ong.


No comments:

Post a Comment