Wednesday 18 October 2017

Tori Garcia, willing to do more sexy roles



Unang salang ng Japanese-Pinay singer actress ni Tori Garcia sa teatro sa sexy comedy play na “Solo Para Adultos” ni Alejandro Bong Ramos. Aminado si Tori na nanibago siya dahil ibang medium para sa kanya ang teatro. “It’s a very different process. It’s a learning experience for me. Sobrang iba siya sa TV acting which I’m used to,” paliwanag niya. Papel ni Georgina, isang scandal queen ang role niya sa nasabing play kung saan nakipagtagisan siya ng kaseksihan kay Veronica (ginagampanan ni April Gustillos ng Wowowee fame) bilang porn queen. “It’s more fulfilling pala sa teatro dahil spontaneous iyong reaction ng mga tao and I learned so much when it comes to acting on theatre,” sey niya. “Of course, there’s always room for improvement.Iyong role ko kasi, sexy siya kasi she wants to dethrone iyong Porn queen kaya, kung hindi sexy si Georgina, eh di wala rin,” dugtong niya. 


Hindi rin niya itinanggi na noong una ay nagdalawang-isip siyang tanggapin ang role ni Georgina. “Noong una, ayaw naming tanggapin iyong role kasi, it’s too bold, pero in-explain naman sa amin ni Direk na it’s the reality of the artists’ world , so ganoon talaga. Feeling ko rin naman kahit adult ang theme niya, hindi naman ako na-exploit dahil inalagaan ako ni Direk,” pahayag niya. Bilang role model ng kabataan at na-identify sa mga sweet roles, hindi naman nagwo-worry si Tori sa kanyang magiging imahe pagkatapos ng Solo Para Adultos. “Ibang-iba naman iyong character ko and people know me na sobrang iba siya sa personality ko lalo na iyong mga friends ko. 


Kung may pagka-vulgar man iyong character ko, it’s because kinakailangan siya sa role dahil porn star siya,” esplika niya. “Kumbaga, in character lang iyong pagiging vulgar niya,” dagdag niya. Pagtatapat pa ni Tori, okey lang daw sa kanya to do sexy roles pero hindi naman siya naniniwalang mata-typecast siya rito. “Actually, I’m quite open to it now as long na it’s artistically done tulad ng Solo Para Adultos and it would be helpful to my craft. Sa roles naman, I could be flexible. If they want me to be sweet, I could be sweet. If they want me to be sexy, I could be sexy,” hirit niya. 


Si Tori ay isang up and coming actress na nakalabas na sa mga pelikulang “Durugin ang Droga” at “Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa”. Naging co-host din siya ni Willie Revillame sa “Wowowin” at nag-aral ng Chubbuck acting technique kay Rahyan Carlos, Bukod pa riyan, naging mainstay rin siya sa Kapamilya weekly sitcom na “Luv U” at naging bahagi ng cast ng “Juan Happy Love Story” sa GMA -7. Kasama rin siya sa cast ng ABS-CBN toprating fantasy na “La Luna Sangre”.



No comments:

Post a Comment