Friday, 20 June 2014

Kamkam – A Film Tackles Poverty, Greed and Decadence


Inihahandog ng isa sa mga bagong indie films producer na Heaven’s Best Entertainment ang pelikulang Kamkam. Isang pelikulang napapanahon at tumatalakay sa kasalukuyang estado ng ating lipunan.




Ito ay mula sa direksyon ng batikang direktor na si Joel Lamangan at mula sa mahusay na manunulat na si Jerry Gracio. Kilala ang direktor na si Joel Lamangan sa paggawa ng mga advocacy film na may social relevance tulad ng mga pelikulang Hubog (2000), Dukot (2009), Sigwa (2010), Patikul (2011), Migrante (2012, Burgos (2013), at Lihis (2013). Ang mga pelikulang ito ay may patama sa ating gobyerno at bansa. Sa presscon na ginanap noong June 19 2014 sa GMA network aking nakapanayam ang director na si Joel Lamangan at ito ang kabuuan ng aking panayam:

Paano kinonceptualize ang pelikulang Kamkam? “Dahil gumagawa ako ng advocacy films, and this one is also an advocacy film because it what? It portrays corruption. Sa society natin ngayun napakalakas ng corruption, so it is just but right to do a film na about corruption. People being victimize by corruption. People being corrupted because of the poverty and it mirrors corruption at the lowest level. Makikita na, from the higher level to the very lowest level of the society, corruption has penetrated already. That was the movie trying to tell.”


Ano ang mensahe na gusto iparating ng pelikulang ito? “Na dapat hindi tama ang corruption, dapat tigilan ang corruption. Dapat lahat tayo ay vigilant.”


Ano ang kaibahan ng pelikulang ito sa ibang pelikulang iyong nagawa? “Ang kaibahan, parati naman siya kaiba in the sense na kaiba naman parati ang artista saka iba naman ang topic na ginagawa, iba naman ang topic na sinasabi ng pelikula, kaya siya kakaiba.“


Gaano kahalaga iyong lugar na pinagshootingan para sa kabuuan ng pelikula? “Napakahalaga dahil doon nangyari ang lahat. Dapat makita mo poverty, decay, decadence,greed.”


Sumasalamin ba sa lugar na ito kung ano ang nangyayari sa Pilipinas? "Oo, iyon nga ang gusto nitong salaminin na ang korupsyon ay hindi lamang sa mataas na antas ng pamamahala kundi maging sa pinakamababang antas ng pamamahala, mababang uri ng buhay ay mayroon pa ring korupsyon.”
 



Mga pangunahing acktor at aktres sa pelikulang ito sina Allen Dizon na patuloy sa pagsuporta at paggawa ng mga indie films, Jean Garcia na muling magpapakita ng husay bilang isang aktres sa pelikulang ito, Sunhine Dizon, isa ring mahusay na aktres sa kanyang unang pagkakataon na maging bahagi ng isang indie film at Jackie Rice na hindi rin nagpahuli sa galing sa pag arte na sinang ayunan ng direktor. Mga katuwang na aktor sa pelikula ay sina Emilio Garcia, Tony Mabesa, Jim Pebanco sa isang na namang natatanging pagganap at si Ms. Elizabeth Oropesa na walang kupas ang husay sa pag arte.


Binigyang pagkakataon din ng pelikulang ito ang mga baguhang artista tulad na mga anak nina Romnick Sarmienta at Harlene Bautisa ,na sila rin producer ng pelikula, na sina Athena Bautista and Zeke  Sarmienta, Hiro Peralta, Rita De Guzman, Lucho Ayala, Joyce Ching and Kerbie Zamora. Mapalad ang mga baguhang ito dahil nabigyan sila ng pagkakataon na makatrabaho ang isang mahusay na direktor. Pinuri rin ni direk Joel ang mga batang artista dahil pawang mahuhusay ang mga ito.


 
Madaming mga kaabang abang sa pelikulang ito, una na rito ang lugar na pinagshootingan ng pelikula na mararamdaman mo talaga ang totoong kalagayan ng nakatira doon. Sinasabi nga na ang lugar mismo ang isa sa bida ng pelikula. Sa kasamaang palad ang lugar na ito sa Brgy Aplaya Kawit, Cavite ay nasunog na kamakailan kaya sa pelikula na lamang mapapanood yung old set up ng lugar na isang malaking komunidad na dikit dikit ang mga bahay. Aabangan din ang mga confrontation scene ng 3 asawa ni Allen sa pelikula na sina, Jean, Sunshine at Jackie. Gayundin ang mga matatapang na dialogue sa pelikula na base from the trailer e mukhang madaming pang aabangan. Kaabang abang din ang mga maiinit na love scene nina Allen at Jean, Allen at Jackie at Jackie at Kerbie na may butt exposure sa pelikulang ito.




Ang pelikulang Kamkam ay Graded A by the Cinema Evaluation Board at rated R-16 by MTRCB without cuts. Inilaban daw ni Direk Joel na walang putulin sa kabuuan ng pelikula dahil ayaw niya ng may pinuputol sa mga pelikulang ginagawa niya at pinaintindi niya ang mga sensitibong eksena sa mga reviewers. Bagamat natagalan on its first review sa MTRCB, ang pelikulang ito ay nabigyan ng R-16 without cut which means maari natin itong mapanood sa mga SM Cinemas which are the major owners of theaters here in the Philppines. Magkakaroon din ng world premiere ang pelikula sa isang prestihiyong A-list international film festival. Ang indie film na ito ay distributed by Quantum Films owned by Atty. Joji Alonso na maitututing na nating isang haligi sa paggawa ng mga indie films. Ilan sa mga succesful indie film na nai produce ni Atty. Joji ay Ang Babae sa Septic Tank at Ekstra. 

My personal take on the film, una sa cast pa lang panalo na para pagsama samahan mo sa isang pelikula ang magagaling na artista na sina Jean Garcia, Sunshine Dizon, Elizabeth Oropesa, Jim Pebanco, Emilio Garcia at Allen Dizon ng pawang kinilala na sa ibat ibang award giving body. Second is yung mga young stars na kasama sa pelikula na very promising at alam mong may patutunguhan sa industriya tulad nina Rita De Guzman, Joyce Ching. Lucho Ayala, Kerbie Zamora at Jackie Rice. Masasabi nga natin star studded ang pelikulang ito sa dami ng mga kilalang artista na kasama na may pantay pantay na pagganap at kanya kanyang moment sa pelikula. Then this is a Joel Lamangan film, we all know kung gaano kahusay na direktor si direk Joel lalo na sa genre na drama at isa rin siya sa mga direktor na iniidolo ko dahil sa mga magagandang pelikula na nagawa niya. Naalala ko nga sa pelikulang ito ang pelikulang Hubog dahil same din yung setting tapos may social relevance, sexy-drama din yung genre at tungkol dinsa mga mahihirap ang kwento. On that film pinadama at pina amoy sa akin ni Direk Joel ang buhay ng mga squater's area at iyon din ang ineexpect ko sa pelikulang ito kaya I am so excited to watch this. And lastly yung story ng pelikula, madalang na kasi tayo makapanood sa big screen na may ganitong tema yung tumatalakay sa totoong buhay ng tao at may patama sa ating lipunan. This film help us to be aware for us Filipino to know na may mga ganitong kwento na nag eexist sa isang sulok ng Pilipinas. The film could also be a representation of one of the society in our country. So para maiba naman sa mga usual na pinoy romcom, pinoy comedy and Hollywood films na palagi natin napapanood. Atin tangkilikin ang isang pelikulang Pilipno na may magandang kwento. Kamkam mapapanood na sa July 9, 2014 sa mga piling sinehan.







Hiro Peralta, Kerbie Zamora and Lucho Ayala @ the presscon of Kamkam



Rita De Guzman and Zeke Sarmienta @ the presscon of Kamkam



Lucho Ayala @ the presscon of Kamkam



Kebie Zamora, Lucho Ayala, Hiro Peralta, Elizabeth Oropesa, Jimmy Pebanco, Zeke Sarmienta, Rita De Guzman, Jean Garcia, Allen Dizon, Direk Joel Lamangan, Sunshine Dizon and Jackie Rice @ the presscon of Kamkam









No comments:

Post a Comment