Thursday 19 July 2018

Edgar Allan Guzman, Chai Fonacier & Maxine Medina in Pinay Beauty (She's No White) - PPP 2018 Official Entry


Pinuy na Pinoy ang kuwento ng pelikulang Pinoy Beauty (She's No White), isa sa official entries sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 na magsasabog ng non-stop na saya, ligaya at good vibes simula Agosto15 hanggang Agosto 21 sa lahat ng sinehan nationwide.

Tampok dito ang premyadong aktor na si Edgar Allan Guman at Chai Fonacier, winner ng Best Supporting Actress ng 2017 Film Academy of the Philippines Award para sa Patay Na Si Hesus at sa 2nd Eddy's Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) para sa Respeto. Makikipagsabayan din sa kanila sa pagpapatawa ang beauty queen-turned-actress na si Maxine Medina.



Very relatable ang kuwento ng Pinay Beauty lalo na sa mga Pinay na ginagawa ang lahat para makmukhang Caucasian at kapalit nito makamit lang ang angking-ganda na swak sa panlasa nila. Pasok din ito sa magaganda at nagpapaganda, at gayundin sa dyowang martir para sa mahal niya at sa mga katropang kasama sa bawat trip ng buhay.

Sa kuwentong sinulat nina Allan Habon at Rod Marmol, problemado si Migs (Edgar Allan Guzman) kung paano mababayaran ang inutang na P180K sa isang loan shark (Tito Val). Nalubog siya sa utang bilang pagmamahal sa girlfriend niyang si Annie na may ilusyong pumuti, kuminis ang kutis, lumaki ang boobs, at tumangos ang ilong para makarampa sa Hong Kong Disneyland na parang prinsesa!

Nangako si Migs na gagawin ang lahat para mabayaran ang utang. Pero sa halip na pakinggan ang pangako, binigyan siya ng misyon ni Tito Val na kailangan niyang gawin sa loob ng tatlong araw.

Tinulungan si Migs ng apat niyang kaibigan para magawa ang misyon. Iba't ibang uri ng kabulastugan, kalokohan, pati na paglabag sa batas, makulong at mabugbog ay naranasan nila para matapos ang problema ni Migs.

Pamilyar na si Edgar Allan sa pag pagpapakuwela sa big screen dahil naitawid niya ang galing niya sa aspetong ito sa sex-comedy na Ligo Na U, Lapit Na Me at sa MMFF 2017 entry na Deadma walking. Effortless and performance niya sa Jay Abello movie at naging kuwela ang chemistry nila ni Chai sa mga eksenang talagang magpapasakit ng tiyan ng manonood.



Mapapanood ang kakaibang kuwento ng nakakaaliw at nakakabaliw na Pinay Beauty (She's No White) simula Agosto 15 hanggang Agosto 21 sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018. Kasama rin sa cast sina Janus Del Prado, Nico Antonio, Hannah Ledesma, Mariko Ledesma, at may special participation sina Tikoy Aguiluz V1, Allan Paule, Lou Veloso, Joel Saracho, Richard Somes at iba pa.







Mula ito sa direksyon ni Jay Abello, ang naghatid sa manonood ng pelikulang Red (2014) ni Jericho Rosales. Ligaw Liham (2007). Nakilala ang husay niya bilang cinematographer sa mga pelikulang Brutus, Flotsam at iba pa.

Kasalukuyang dinidirek ni Abello ang MMFF 2018 entry na The Girl In Orange Dress mula sa Quantum Films.








No comments:

Post a Comment