Monday, 16 July 2018

Direk Carlo Enciso Catu talks about his movie “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon”


By Archie Liao

Sa mga new breed directors, isa si Carlo Enciso Catu sa mga pinaka-exciting na filmmakers. Nanalo ang kanyang Kapampangan film debut na “Ari: My Life with a King” ng YCC awards bilang best first feature noong 2015. Tinanghal din itong best new wave film noong 2015 Metro Manila Film Festival. Sa international scene naman, nag-uwi ang pelikula ng best new talented director award para kay Catu sa London International Filmmakers Festival sa United Kingdom noong 2016 at best debut feature film director award sa All Lights India Internatioanl Film Festival sa India noong 2015. 


Tinanghal din ang pelikulang best world film sa Harlem International Film Festival sa New York noong 2015. Ngayong taong ito, sasabak si Catu sa kanyang kauna-unahang Cinemalaya movie na “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon.” Ano ang kaibahan ng “Kung Paano ang Hinihintay ang Dapithapon” sa mga pelikulang tumalakay na sa pagtanda? “Well, sabi nga ni Sir Ricky (Lee), paulit-ulit lang naman iyong mga kuwento. Pero, iyong paraan ng pagkukuwento, iba. Siguro, excited ako na i-share lang ang naging experience ng buong team sa pag-atake sa simpleng istorya ng pagtanda from treatment to camera movement. Naging true kami sa simplistic way ng pagkukuwento. Para kang bumalik sa baryo, tapos nakikinig ka ng kuwento ng mga lola mo”. Ano ang pinakang mensahe ng pelikula? “Ako bilang director, simple lang siya. At the end of the day, companionship. Ang pagmamahal sa mga matatanda. Na kaya nating mabuhay nang mag-isa pero walang taong gugustuhing mamatay nang nag-iisa”, aniya. “Sa kuwento kasi, magka-live sina Tita Perla(Bautista) at Tito Menggie (Cobarrubias) dito for 27 years. In their ordinary boring life, tatawag iyong dating asawa ni Tita Perla na si Tito Dante (Rivero) na malapit nang mamatay.

Kumbaga, ang premise. ‘Kung ikaw ang nandoon, babalik ang dati mong mahal tapos mamamatay pa, hindi mo ba siya pagbibigyan?’, dugtong niya. Maihahanay mo ba ito sa mga pelikulang nagawa mo na nagtataguyod ng Kapampangan cinema? “Partly, pero not to the point na hindi na bagay. Ginawa ko lang integral iyong karakter ni Teresa (Perla Bautista). Hindi talaga siya taga-Pampanga pero iyong makakasama niya ay taga-Pampanga.” Kumusta ang karanasan mo sa pakikipagtrabaho sa mga beteranong artista tulad nina Tita Perla, Tito Menggie at Tito Dante? “It’s a dream team. Pinangarap ko siya talaga. Nakatrabaho ko kasi si Tita Perla one time sa “Laut” ni Direk Louie. Sobrang dali niyang katrabaho. Siya talaga ang nasa isip ko noong binigay sa akin iyong iskrip nito. Siya kasi iyong matanda na maganda pa rin. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan na Perla. Alam mo iyon, napakabango. Puwede pang magmahal. 

Sina Tito Menggie at Tito Dante naman, wala akong masabi. Magagaling sila. Well, I want to say na nag-work iyong kuwento dahil sa kanila. It’s a simple story lang pero in fairness sa kanila, sarap nilang katrabaho dahil propesyunal sila at walang ego. Nagtulungan sila to tell the story in the best way they can.” Kakaiba ang istilo mo as a filmmaker sa “Ari: My Life with a King” at iba rin dito sa “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon. Ikaw ba iyong filmmaker na gustong makilala na walang natatanging istilo o trademark pagkakilanlan? “Ang hirap naman kasi sa style, parang hindi ikaw ang magsasabi noon para sa iyo. Pero, feeling ko, after that you’ve done a series of films, doon mo masasabi na “Ah ganito pala ako”. Pero, feeling ko naman, nandito pa rin iyong puso ko bilang Kapampangan filmmaker. Feeling ko, as of now, natututunan ko pa rin ang voice ko as a filmmaker in a simplistic way habang nanonood tayo ng buhay. 

Nandoon pa rin ako, organic lang ang nangyayari”. Bukod sa tatlong beteranong artista, tampok din sa “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon” sina Romnick Sarmenta at Che Ramos Nakatakda rin siyang magdirehe ng “Mga Anak ng Kamote” na isinulat ni John Carlo Pacala na siya ring writer ng “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon” sa 2018 Tofarm Film Festival. Tapos na rin niya ang “Aria”, ang kauna-unahang Kapampangan period movie with non-actors in the cast. 




No comments:

Post a Comment