Wednesday 11 July 2018

Bodjie Pascua gets his biggest break as lead in “Pan de Salawal”




By Archie Liao




 
Bida na ang magaling na stage at TV actor na si Bodjie Pascua sa pelikula. Siya ang lead actor sa pelikulang “Pan de Salawal” ni Che Espiritu na kalahok sa ika-14 na edisyon ng Cinemalaya filmfest. Ayon sa kanya, hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang mapipili na gumanap bilang Sal. “It’s my first lead. Nag-audition ako for the role,” pakli niya. “Actually, napakalaking responsibilidad niya. Feeling ko nga, isang blessing siya na galing sa aking director” dugtong niya. Nagandahan din daw siya sa iskrip ng pelikula na isinulat ng kanyang director. “The central story focuses sa relasyon at sa friendship na nabuo sa isang matandang panadero who’s given up on life at sa isang batang lansangan who has the power to heal pero quirky iyong power niya to heal,” aniya. 

 Bukod sa kakaibang kuwento, makabagbag-damdamin rin daw ang kuwento ng “Pan de Salawal”. “It’s a comedy, a bittersweet comedy, medyo may part na nakakaiyak, may comic part … it’s like a fable for adults, isang pabula,”paliwanag niya. Nakaka-relate rin daw siya sa kanyang role at sa kuwento ng pelikula. “May mga tanong na tinatanong ang pelikula sa iskrip. Paano mabuhay with all the pain?. So relate na relate ako kasi lahat naman tayo dumanas ng pain. Tulad ng ibang tao, si Sal is a very lonely man, iyong character ko. Isolated siya sa mundo. He’s given up on life. Gusto niyang ma-release from this pain. May dumating na biyaya sa buhay niya in the character of this street kid na si Aguy na somehow nagbago sa kanyang pananaw,” kuwento niya. Maganda rin daw ang mensahe ng pelikula dahil puwede itong pagkunan ng inspirasyon. “Malaro kasi iyong isipan ng manunulat. Pan de Salawal siya dahil tumutukoy sa panadero, sa pandesal at salawal. 


Kasi iyong bata nagnakaw siya ng salawal na isinuot niya sa kanyang ulo, kaya masaya siya. May mensahe rin siya kung paano ba bibigyan natin ng asino lasa ang ating buhay because asin ang pampalasa sa pandesal na pagkain nating mga Pinoy,” hirit niya. Masaya rin si Bodjie dahil identified siya sa mga kuwentong pambata. “Nagsimula kasi ako sa teatro pero nakilala ako sa Batibot. Siguro, naalaala nila si Kuya Bodjie sa Batibot noong bata pa sila kaya sila nakaka-identify sa akin,” esplika niya. Gayunpaman, bilang actor, gusto raw niyang subukan ang lahat ng roles. 


“Madalas kasi mabait ako pero I did one sa Cinemalaya rin. Iyong Pagdadalaga ni Maximo Oliveros kung saan salbahe ako. Ako iyong pumatay kay Soliman Cruz na tatay ni Maximo sa pelikula,” pagbabahagi niya. Nasa cast din si Bodjie ng “Starla” ang bagong teleserye ni Judy Ann Santos. Tampok din sa “Pan de Salawal” ang bagong child wonder na si Miel Espinosa. 


Kasama rin sa cast sina Madeleine Nicolas, Anna Luna, Felix Roco, Soliman Cruz, Ian Lomongo, Ruby Ruiz, JM Salvado at Lorenzo Aguila. Ito ay mapapanood na sa mga piling CCP venues at Ayala mall cinemas sa Agosto. 




No comments:

Post a Comment