Sunday, 30 December 2012

Movie Review: Thy Womb


Isang pelikula tumalakay sa buhay ng isang mag asawang badjao na hindi biniyayaan ng anak. Ang maybahay na si Nora Aunor na isang kumadrona ay naghahanap ng mapapangasawa muli ng kanyang asawa para magka anak sila. Ngunit hindi ito kadali dahil humihingi ng malaking dowry ang babeng hinahanap niya at bukod dito ay may hinihinging kapalit ang nahanap nilang mapapangasawa na masyadong masakit para sa kanilang mag – asawa. Ipinakita din ng pelikulang ito ang typical na buhay ng isang badjao, ang kanilang kultura sa pag aasawa , ang kanilang hanap buhay at ang kanilang problemang pulitikal sa sarilng bayan.

Simple lang ang pelikula, napakatotoo. Ipinakita dito ni Direk Brllante ang kasalukuyang sitwasyon ng Badjao sa Mindanao, ang kanilang pamumuhay , hanapbuhay kultura at struggles sa gitna ng awayan ng militar at rebelde. Iyon ang mensahe na gustong iparating ng pelikulng ito. Maraming statement na ipinakita ang pelikulang ito tulad ng  isang eksena na ipinakita sa itsura ang simbahang katoliko sa Badjao, ang pagnanakaw ng mga tulisan sa mga nangingisda sa gitna ng karagatan, kung paano ikinakasal ang mga Badjao, yung biglang naririnig nilang putukan at may darating na miltar sa bayan nila at kung papaano magpaanak ang isang Badjao. Ipinakita ding ng pelikulang ito ang struggle ng isang nagpapaanak na hindi nagkaroon ng anak na hinihingi na lang ang karugtong ng pusod ng bawat sanggol na pinapaanak niya.

Napakatotoo ng pelikula at talagang may mga eksena na talagang totoong eksena yung ipinakita tulad ng sa isang eksena na totoong nagpapaanak talaga si Nora dahil makikita mo talaga yung fresh na pusod at fresh na bahay bahayan ng bata na lumalabas kasama ng sanggol. And the last scene from Lovi Poe nung manganganak na siya ipinakita talaga ang paglabas ng isang sanggol mula sa pwerta ng isang ina so I was shock with that scene. Marami din akong natutunan sa pelkulang ito tulad ng  ikinabubuhay at kultura ng isang Badjao ang pangingisda at paghahabi ng banig.

Mabubusog din ang mga mata niyo sa magagandang views at location na ipinakita sa pelikula Cinematography was good ,gumamit pa sila ng underwater cam just to capture the fish na see thru sa dagat. May nagustuhan akong shot doon na underwater cam ang ginamit sa pagitan ng ibabaw at ilalim ng dagat kita mo yung lumalangoy na isda sa ilalim ng bangka tapos biglang ahon yung shot sa Bangka. So the movie was simple at nakuwa ko ang mensahe na gustong sabihin ng pelikula. At maayos din ang teknikal na aspeto ng pelikula tulad ng tunog, production design na napakanatural, editing, cinematography and musical scoring. For the acting Nora Aunor gave a natural acting for the movie kung ano ba talaga ang buhay ng isang kumadronang  Badjao na walang anak na naghanap ng pangalawang asawa para sa asawa niya. Hindi umarte si Nora dito ipinakita lang niya kung paano kaya kung naging ganito ang buhay niya. Pwede mo na nga siyang mapagkamalan na isa na rin Badjao. The other actors as well ay hindi rin umarte like Bembol Roco, Mercedes Cabral and other indie actors.  Medyo nakulangan lang ako sa exposure ni Lovi Poe I did not expect na ganoon lang kaikli yung participation nya. Commendable din talaga sina Ms. Nora and Bembol Roco sa movie dahil talagang inaral nila kung papaano magsagwan ng isang bangka at maghabi ng banig. So pwede sila as Best Actor and Best Actress. Mayroon din silang kanya kanyang moment na ipinakita sa lalim ng arte lke in one scene na mata lang ang pinaarte ni Nora and yung crying scene ni Bembol that was really great and effective nakakadala. Just don’t be shock on the ending dahil medyo bitin talaga ito dahil style talaga ng indie iyon open ended. You never know what happen kung happy ending ba or sad ending.

So if you would want to watch an alternative film, something different and you would like to realize na mayroon pala   tayong mga kapwa Pilipno na ganito ang kultura watch this film. It’s good that we would be able to make a film about Muslim na minsan lang matackle sa pelikulang Pilipino.

My Verdict: 4/5

2 comments:

  1. Bakit hiwalay ang mainstream at indie sa best film list mo? Dapat hindi. Kasi baka isipin pa na maganda ang mga mainstreams na ito dahil nasa top 10. Kung tutuusin hindi sila papasok kahit top 20 kung ilalaban sila sa mga indie. You are sending the wrong message.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This is based on my perception on films. In a way kahit templated ang mga story at treatment na pinapakita ng mainstream still they deserve to be credited kasi na entertained naman ako. Magkaiba pa rin talaga ang style at treatment ng mainstream and indie, at parehong may mag magkaibang audience ang mga ito.

      Delete