Sunday, 23 December 2012

Movie Review: Ad Ignorantiam


The movie tackles about the justice system here in the Phiippines and it was based on true story, happens in 2001 and the suspect given a verdict at 2007. This movie makes me realize the reality that we have for the judiciary in our country. That an innocent person can go to jail and that’s what happen here in the film. Napagbintangan lamang si Kristoffer King na naghablot ng kwintas ni Ina Feleo pero nakulong ito. Nakakalungkot isipin na may mga ganitong pangyayari sa Pilipinas, lalo na kapag mahirap ka na tao wala kang kalaban laban kapag may kaso ka, sa pagkuwa pa lang abogado pahirapan na. Ipinakita rito ang proseso ng mga totoong pangyayari sa isang taong inakusahan sa pagnanakaw. So the treatment that they did in this film is the same as what they did in Posas in which hindi steady ang camera , sumusunod lang sa character, then nangyari lang din sa isang araw, maski yung tema medyo may pagkakaparehas sila in terms of pagpapakita ng kabulukan ng isang public servant.  Ipinakita rito and proseso ng justice system sa ating bansa like yung pede
kang akusahan basta basta ng isang tao kahit wala silang ebidensya at binase lang sa estado mo bilang tao, pinakita din ang somehow ang police brutality , ang maling proseso sa paghuli sa isang inaakusahan, walng warrant pero kung ituring e primary suspect na, walang ebidensya pero dinampot pa rin and that’s very sad to know. Then sa court scene pinakita kung ano ba talaga ang tunay na pangyayari sa loob ng korte, yng sagutan ng mga abogado yung pagpanig ng judge sa may pera, yung butas sa ating batas.yung TAGAL ng proseso at pagschedule sa susunod na hearing. Imagine  the case is robbery but it takes 6 years before it was given a verdict then dahil he was judged as guilty sa tagal ng proseso yung danyos na ibabayad niya sa biktima e tumaas na ang interes dahil sa bagal ng proseso. Yung pagpapalit palit ng abugado ng isang mahirap na akusado dahil umaasa lang sa PAO, all of it ws tackle in the film.

In a way na move ako ng movie na ito at naapektuhan ako sa panig ng akusado na I hope na magkaroon ng fair justice system sa Pilipinas especially sa mga mahihirap na tao. Infairness sa DOP kahit nasunod yung cam sa character hindi naman ako nahilo at di rin siya ganoon ka shaky. Then what I like pa on the film is talagang ipinakta sa pelikula ang itsura ng isang main road sa syudad particularly in Quezon City. Talagang na feel ko yung environment dahil parang andun ka na rin mismo na nanood lang. Very natural yung dating at makatotohanan.  I also like the musical scoring na ginamit sa movie which is drum beat lang it also add good element sa movie. Then the actors what I can say. Merced acting very natural yet effective and for me even this is a supporting role heto yung isa sa mga proyekt na nagalingan ako sa kanya sa acting. Kristoffer King. No question as well very natural acting and really justify his character. Ang galling niya doon na isang mata lang ang pianaluha niya pagkarinig niya ng verdict. Ina Feleo and her friend doon sa moviemahusay din very makatotohanan ang acting. Then our veteran actors and actresse, Ms Laurice Guillen Raquel Vilavicencio and Allan Paule napakahuhusay din bilang gumanap ng mga abugado respectively. So for me maayos na naideliver at naipakita ng movie ang mensahe sa tao, ang kabulukan ng justice system sa ating bansa. So congrats to the team. This movie is worth watching for in MMFF New Wave.

My Verdict: 4/5


No comments:

Post a Comment