Saturday, 29 December 2012

Movie Review: Sisterakas


Ang pelikulang ito ay umikot sa 2 magkapatid sa ama na sina Aiai and Vice na nagging biktima ng poot ng kanilang mga magulang. Nakapagtrabaho si Aiai sa fashion company ni Vice at para makaganti ay pinahirapan ni Vice ng husto si Aiai. On the other side, the rival company of Vice owned by Kris makes a way para ma pirate si Aiai na may talento rin sa pag guhit ng mga damit. And the conflict of the movie starts there.

Well the movie is a super laugh trip. Bentang benta ang mga tirada ng joke ni Vice at acting ni Aiai sa pagpapatawa. This is a one slupstic comedy film made by Wenn Deramas. So medyo di ganoon kaganda ang quality ng movie compared to This Guy is In Love With You Mare. There is some lapses with the technical aspect of the film, like sa editing ,sound and for the recycled musical scoring na narinig ko na sa mga past comedy film of Wenn Deramas. Ngunit kahit na ganoon eh bumenta pa rin ito sa mga tao dahil entertaining naman talaga ang film at mga sikat ang bida sa peliukang ito plus paghatak din sa kabataan ang Kathniel Loveteam. Ito yung tipo ng pelikula na madaling sakyan ng masa pero kung sususriin mo ng maigi mapapansin mong madaming pagkululang sa pelikulang ito.

So talagang alam ng Star Cinema kung paano tumbukin ang kiliti ng tao dahil  kasabay ko sa loob ng sinehan ang magkakapamilya at magkakabarkada na bihira lang mangyari sa isang pelikulang Pilipino. Ito iyong tipo ng pelikula na sa bawat eksena ay matatawa ka grabe. And because of that I would like to commend ang galing sa timing ni Vice Ganda sa pagbabato ng mga joke at sa husay din ni Aiai sa pag arte sa pagpapatawa. And for Kris Aquino I just feel awkward for her acting hindi ko nagustuhan acting niya rito. Bentang benta din sa pelikulang ito ang mga spoofs ng commercial at mga personal joke ng mga bidang artista sa isat isa especially Kris Aquino to James Yap. Dito ko rin napatunayan na talagang patok na patok ang loveteam nina Kathniel dahil sa response ng mga tao while watching them. The other actors did well sa film like Ms. Gloria Diaz, Joey Paras and Wilma Doesn’t. For Xyriel Manabat parang pampadami lang siya sa cast and she did not have any significance sa movie.  Alam mo na kahit same style of comedy na ang pinakita sa pelikulang ito but still matatawa at matatawa ka pa rin talaga. So highly commendable ang pelikulang ito if you want to release your stress and it is best to watch this movie with your family. So if you want to be entertained at tumawa every 5 mins watch this just disregard the lapses on the quality of the film. I can say that this is not the best comedy film na ginawa ni Direk Wenn dahil mas pinriority niyang maihabol ito sa deadline and pumatok  sa takilya.

My Verdict: 3.5/5

No comments:

Post a Comment