Monday, 3 December 2012

Movie Review: Mater Dolorosa

I watched at the premire night of this movie. Well in fairness  sa movie it meets my expectation. Maayos na nailahad ang story at maganda ang screenplay ng pelikula. Isa sa mga nagustuhan kong eksena is yung pag aaway nina Cogie and Carlo then aawat si Alessandra, ang galing ng batuhan ng linya nila doon. Actually marami pang eksena na magagaling yung mga cast. Agaw eksena din itong si Rosanna na very natural ang acting sa pagiging adik. Maganda yung story actually tumatalakay ito sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak, na ang isang ina gagawin ang lahat maprotektahan lang ang mga anak kahit sa masamang paraan. Acting wise  ibang atake sa
drama ang ginawa ni Ms. Gina Alajar dito like doon sa scene na binaril sa harap niya yung asawa niya imbes na hysterical acting sublte lang yung atake niya kalma lang. Then may isa pa siyang eksena doon noong namatay anak niya hindi siya humagulgol ng iyak di mo makikita na maiiyak na siya pero bigla na lang tumulo yung mga luha niya pero wala siyang emosyon na pinkaita ang galing niya doon, ibang atake sa acting talaga ang pinakita niya sa movie. Maganda yung story ng movie ipinakita rito yung story na isang pamilya na nabubuhay sa mga ilegal na gawain. Acting wise wala ako masabi, NAPAKAHUSAY ng mga cast. This is an ensemble cast. Alessandra was very natural in her acting same with Felix Roco. sobrang naiyak ako doon sa scene nila nung pinatay si Felix dahil mahuhusay sila sa emosyon na ipinakita. Kakaiba din yung style na ginamit sa sound, then the whole film was shot in black and white , malinaw din ang sinematograpiya ng pelikukla. So I can recommend that this is is one of the film that we should watch on Cinema One Originals 2012 because this is a quality one.

My Verdict 3.5/5

No comments:

Post a Comment