Monday, 29 July 2024

Rhian says she's ready to be a public servant's wife

 

 By Archie Liao

Malapit nang mag-celebrate ng third year anniversary sina Rhian Ramos at Tutok To Win Party List Representative at businessman Sam Verzosa.


Katunayan, hindi ikinaila ng 'When The World Met Miss Probinsyana' actress na sobra silang magkasundo sa maraming bagay ng nobyo.


"When we were new, aside from the personality namin that we get along, one of the things that we agreed upon is it's important to use your life, your skills or your success for the better, "aniya. " We actually shared one dream and it was really centered on helping others.Although at that time, di ko alam na ang magiging paraan niya to help other people is to run for (public) office.Now that it's here I totally support him,"dugtong niya.


Vocal din siya sa pagsasabing paminsan-minsan ay napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal.


"The reason naman why we're together, siyempre nakikita iyon sa future namin.It's just that at the moment, wala naman kaming near future plan na mangyayari na but I'm sure eventually I can say I'm sure enough," deklara niya.


Hirit pa niya,handa na rin daw siyang maging 'first lady' sa buhay ni Sam.


"I feel like I have no choice. I feel like siyempre I support him.I support what he's doing at iyong cause niya. I know that he really wants to make a positive difference and of course, I want him to achieve that. I want to support him in any way I can even if ayokong maging 'first lady' pero wala naman akong choice," paliwanag niya.
Bukod sa pagiging actress ay abala rin si Rhian sa kanyang charity at humanitarian works.


Si Rhian ay bida sa advocacy film na "When The World Met Miss Probinsyana" na halaw sa tunay na success story ni Marjorie Aviso na CEO ng Telework PH at Presidente ng Global Impact Production.


Sey pa ni Rhian, na-inspire siya sa 'rags to riches' na kwento  ng buhay ni Ms. Marjs tungkol sa women empowerment.


"Minsan kasi nakakahon na kapag probinsyana ka o laking probinsya, may notion na limited ka lang o limited ang options mo with work and education. You can also dream big.I just hope that women would be empowered and fear not the freedom of whatever they aspire for after watching this movie," bulalas niya." I feel that women need to fight for each other.Kung paano iyong ginawa ni Ms.Marjs, iyon ang nag-pave ng way up at nagbigay ng opportunities to other women.Marami ang umasenso dahil nauna siya," dugtong niya.


Ayon naman kay Direk JP Ninalga, marami siyang inilatag ng issues ng kababaihan sa kanyang obra.


"We would like to be the voice for the voiceless.'Yun iyong sinasabi ng film namin. There are many issues that we don't look into and minsan na ti-take for granted. As a filmmaker, this is our humble contribution to empower the voiceless, " esplika niya. "Aside from the struggles sa BPO company, tinalakay din ang tungkol sa mental health," dugtong niya.


Mula sa direksyon ni JP Ninalga, tampok din sa pelikulang palabas na sa Agosto 7 sa mga sinehan sina Sid Lucero, Lance Raymundo, James Marco, Joshua Zamora, Camille Rose, Jyra De Guzman, Kristin Abbey, Kristal Luistro, Ayah Sarmiento at Rowie Cardona.


Nasa supporting cast din sina Drago Cruz Munoz, Mabel Reyes, Janina Lorelei, Julien Antonuccio, Sarah Ansari, Stephan Anderson, Aaron Henson at Hamsa Omar.

No comments:

Post a Comment