By Archie Liao
Sa launch ng kanyang debut single na "Himig Pagmamahal" sobrang nagpapasalamat ang singing sweetheart na si Kiesha Luiz Bolanos sa pagtitiwalang ipinagkaloob ng kanya ng kanyang EBQ (Express Your Best Quality)family. "Grateful po ako sa EBQ at sa family ko po. Kasi sila po talaga ang nag-push sa akin to try singing," paliwanag niya.
Gusto rin daw niyang bigyan ng kredito ang kanyang kapatid na si Lindsay na siyang nag-inspire sa kanya para umawit. "Siya po talaga iyong singer sa family namin. Siya po iyong nagga-guide at nagtuturo sa akin kung ano ang dapat gawin and how to be better po "ani Kiesha. Hirit pa niya, si Lindsay din daw ang maituturing niyang greatest musical influence kaya nahilig din siya sa pag-awit. Nilinaw naman niya na walang kumpetisyon o sibling rivalry na namamagitan sa kanilang magkapatid.
"Nagsusuportahan po kami. Even my family po, very supportive po sila sa singing career ko," bulalas niya.
Hirit pa niya, nakaka-relate raw siya sa mensahe ng kanta kahit at a young age ay di pa niya nararanasang ma-in love. "Iyong love po, wala pa kasi teenager pa po ako. Pero iyong crush po at saka sa family ko, doon po ako humuhugot ng inspirasyon," deklara niya. Dagdag pa niya, relatable raw ang message ng song dahil love is universal.
"Tungkol po siya sa babaeng umiibig at nais din niyang maibigan din siyang pabalik ng kanyang minamahal, "ani Kiesha. Ang " Himig Pagmamahal" ay nilikha nina Evie Quintua, Kate Jumaquio at Leopold "Bobot" Bolanos mula sa EBQ Music Production. Ito ay idini-distribute ng PolyEast Records Ayon pa kay Keisha, faney siya ni Moira dela Torre at paborito niyang kanta ng singer-composer ang piyesang “Babalik Sa Iyo.”
Katunayan, wish daw niya na ma-meet at makapag-perform kasama ang tinaguriang “queen of hugot songs.” Sa international celebrities naman, labis ang paghanga niya kina Avril Lavigne at Ariana Grande. Biggest exposure raw naman niya ay ang partisipasyon niya sa concert ni Renz Verano na may titulong “Ibang-Iba Ka Na at 27”kung saan nag-perform siya kasama ang iba pang EBQ artists.
Bukod sa pagkanta, hindi rin ikinaila ni Keisha na nasa bucket list niya ang pasukin ang showbusiness.
Celebrity crush daw naman niya si Ken Suson ng grupong SB19. Sa kalalakihan naman, nagagalingan daw siya sa pag-arte kay Paulo Avelino. Hirit pa niya, hindi na rin daw bago ang pagsabak sa kanya sa acting dahil nakalabas na siya sa isang indie film.
“Actually, nakasama na po ako sa movie sa Inding-Indie Film Festival kasama po si Lindsay (Bolanos) na co-artist ko sa EBQ sa short film ni Direk Ryan Manuel Favis. Kami po iyong mga diwata na nakakita sa apat na bida, “pagbabahagi niya. Paborito raw niyang mga artista sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. “Si Kathryn po kasi ang galing niyang umarte. Si Nadine naman, I like her po kasi she’s very elegant, honest and professional,” paliwanag niya. Celebrity crush daw naman niya si Ken Suson ng grupong SB19.
Sa kalalakihan naman, nagagalingan daw siya sa pag-arte kay Paulo Avelino.
Hirit pa niya, hindi na rin daw bago ang pagsabak sa kanya sa acting dahil nakalabas na siya sa isang indie film. “Actually, nakasama na po ako sa movie sa Inding-Indie Film Festival kasama po si Lindsay (Bolanos) na co-artist ko sa EBQ sa short film ni Direk Ryan Manuel Favis. Kami po iyong mga diwata na nakakita sa apat na bida, “pagbabahagi niya. Bukod sa singing at acting, gusto rin ni Kiesha na pasukin ang vlogging.
No comments:
Post a Comment