By Archie Liao
Isang malaking hamon sa magaling na direktor na si Errol Ropero ang
dance drama na “Huling Sayaw” na pinagbibidahan ng dating child actor
at award-winning performer na si Bugoy Carino.
Aniya, ito raw kasi ang kauna-unahan niyang mainstream film.
“Nakagawa
na po ako ng twenty seven (27) na pelikula na iniikot namin sa mga
schools. 27 movies po na DepEd-endorsed. Actually, ito iyong unang
mainstream ko pero iyong mga pelikula ko, umiikot po siya sa mga iskul,”
lahad niya.
Pagbabahagi pa niya, layunin daw ng kanyang pelikula na magbigay ng inspirasyon lalo na sa mga kabataan.
“Sa
panahon ngayon na maraming problemang hinaharap ang mundo, kailangan
natin ng mga panooring magbibigay ng pag-asa, ng positive values, at
maging inspirasyon para sa ating mga kababayan,” paliwanag niya.
Sa pagsabak niya sa mainstream, umaasa siyang lumawak pa ang mga nanonood ng kanyang mga obra.
“Iyong
past films ko kasi talagang naka-sentro sa kahalagahan ng edukasyon at
sa mga batang nangangarap, sa mga kapuspalad. Sinusuportahan naman ako
ng mga producers ko, ng mga investors at mga kaibigan kong mga artista.
Para mas lumawak ang audience, naisip ko, bakit hindi ko gawing
mainstream,”bulalas niya.
Nakaka-relate rin daw siya sa tema ng pelikula dahil ang kuwento nito ay mula sa kanyang sariling karanasan.
“Siguro
ang inspirasyon ko ay para sa sarili ko. Personally, di naman po ako
nakatapos ng pag-aaral. Kumbaga, iyon ang ginawa kong inspirasyon.
Inilagay ko ang sarili ko sa karakter ni Danilo pero di po ako
sumasayaw,” esplika niya.
Pagbabahagi pa niya, pagkatapos ng
theatrical screening, may inihanda rin daw silang bersyon na ipalalabas
naman nila sa mga eskuwelahan.
Sobrang bilib din siya sa ipinakitang galing sa pag-arte ng kanyang stars.
“Napakagaling
ni Bugoy dito. Actually, 2017 pa lang nag-uusap na kami. Actually, siya
ang gumawa ng mga dance steps at choreography sa pelikula dahil di
naman ako sumasayaw. Hindi siya mahirap idirek, gayundin si Belle,”
pagtatapos niya.
Sa “Huling Sayaw” na idinirehe ni Direk Errol
Ropero, ginagampanan ni Bugoy ang papel ni Danilo, isang binatang sa
kabila ng mga balakid na hinarap ay hindi sinukuan ang kanyang pangarap
na maging matagumpay na dancer.
Kasama rin sa cast si Belle Mariano na binibigyang-buhay ang papel ng kanyang childhood best friend at love interest.
Nasa
supporting cast naman sina Rob Sy, Ramon Christopher, Christian
Vasquez, Emilio Garcia, Jeffrey Santos, Jao Mapa, Mark Herras, Zeus
Collins at Mickey Ferriols.
Iprinudyus nina Ronald Allan
Guinto, Michael Andaya, Hon. Melvin Vergara Vidal at Hon. Amado Carlos
Bolilia IV para sa Camerrol Productions, ang eksplosibong dance drama na
ito ay kasalukuyang palabas na sa mga sinehan sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment