By Archie Liao
Biggest
come-on at atraksyon ng horror-comedy na "Losers-1, Suckers-0" ang
partisipasyon ng magaling at award-winning actress na si Ara Mina.
Karamihan
kasi sa mga kasamahan niya sa nasabing AQ Prime movie ay mga baguhan
lalo na ang lead stars nitong sina Jayden Bravo, Khiester Bernardino,
Charles Temones at Bench Manalon.
Ayon kay Ara, willing siyang suportahan ang mga baguhan lalo na kung naniniwala siya sa isang proyekto.
Dagdag
pa niya, nakaka-relate rin daw siya sa pinagdadaanan ng mga ito dahil
minsan din siyang naging baguhan na sinuportahan ng kanyang kapwa mga
artista.
"Ako naman, supportive naman talaga ako sa mga
baguhan.Nagsimula rin naman ako bilang baguhan bago nakapag-establish ng
name sa showbiz.Sinuportahan din ako ng senior costars ko as a newbie,
so it's also a way of paying back," paliwanag niya.
Sey
pa niya, buo rin raw ang paniniwala niya sa proyekto ni Direk Niokz
Arcega kaya ibinigay niya ang wholehearted support niya rito.
"Sa
panahon kasi ngayon kailangan nating magtulungan para muling sumigla
ang industrya natin kahit ano pang platform iyan," aniya."Mas masaya na
marami ang nabibigyan ng chance o ng trabaho kaya kailangan natin iyong
pagtutulungan at pagsuporta sa isa't-isa.Buo rin ang tiwala ko kay Direk
Niokz kaya tinanggap ko iyong pelikula,"dugtong niya.
Hirit pa niya, kahit mga baguhan ay napabilib daw siya sa ipinakitang akting ng apat na bida sa pelikula.
"When
I first met them, I made it a point na maging kumportable sila sa
akin.I gave some tips kung paano nila iho-hone iyong kanilang acting
skills.Sabi ko nga, kakayanin nila," lahad niya ."Makikita mo naman ang
potensyal nila when it comes to acting.Actually, normal na normal lang
ang dating nila na hindi mo sinasabing inakting,"dugtong niya.
Deklara
pa ng aktres, given more projects, sampalataya siyang may future o may
mararating sina Jayden, Charles, Khiester at Bench pagdating sa kanilang
knack for comic acting.
"Sa
panahon kasi ngayon, tulad nang sinabi ni Direk, wala sa generation
natin ngayon ang tulad nina Janno Gibbs, Andrew E, Ogie Alcasid o Dennis
Padilla na magaling ang comic timing na hindi papogi, paguwapo o
pamacho na nakikita ko sa kanila," pagtatapos niya.
Sa
"Losers-1,Suckers-0", ginagampanan ni Ara ang papel ni Esmeralda, ang
reyna ng mga bampira na magiging katunggali ng apat na school outcasts.
Streaming na sa AQ Prime, tampok din sa pelikula sina Yana Fuentes, Marcus Madrigal at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment