Friday, 25 November 2022

Direk Jules Katanyag tackles the changing gender roles in “Us X Her”

 

By Archie Liao

Hindi na bago sa paggawa ng pelikula ang acclaimed director na si Jules Katanyag.
Isang resident writer ng GMA-7, si Jules ang director ng pelikulang “Si Magdalola at ang Mga Gago” na nagwagi ng special jury prize sa 2016 Cinemaone Originals Film Festival. Ngayong taon, nagbabalik ang magaling na direktor sa Vivamax movie na “Us X Her” na palabas na sa Vivamax.


Ayon kay Jules, noong ikina-conceptualize niya ang pelikula, iba ang kuwentong nasa isip niya.
 

“Ang original title kasi nito is Bembangan kasi napaka-strong noon title for the Vivamax brand. Kaso noong sinulat ko na sia, medyo naging medyo social iyong mga karakter. Naging relationship story so hindi na bagay iyong Bembangan. Naging serious drama na siya. Naging Us X Her iyong bagong title namin ni Irene. Ako kasi ang nagsulat at si Irene ang aking creative producer. So sa kanya ko, pinaa-approve ang ideas ko. Mas nagustuhan naman niya iyong Us X Her dahil naging millennial ang dating,”kuwento niya.


May ibang twists din daw ang pelikula pero sa dakong huli ay nawala na ito dahil gusto nilang mag-stick sa conventions ng relationship drama.
Natutuwa naman siya na kahit serious drama ay napaarte niya nang mahusay ang kanyang dalawang bidang sina AJ Raval at Angeli Khang.


“Matutuwa ka dahil naipakita nila ang husay nila sa acting. Ang showbiz mang sabihin na kakaiba pero nai-showcase talaga nila ang galing nila rito considering na hindi naman sila nakilalang dramatic actresses,”dagdag pa niya.


Ang pelikulang  Us X Her ay kuwento ng mag-asawang na-invade ang privacy nang pumasok sa kanilang buhay ang isang babae.


Sa kuwento,  si Dave (Kiko Estrada), isang dating basketball player ay naka-one night stand si Lila,  (Angeli Khang) ang kanyang dieheard fan. 


Sa pag-iwas niya sa kanyang obsessed fan, gagawa naman ng paraan si Lila para makaganti kay Dave.
Sisirain niya ang relasyon ni Dave sa misis nitong si Mari (AJ Raval) subalit sa huli ay mai-in love ito sa huli.


Ayon kay Direk Jules ang reversal of roles ng kalalakihan at kababaihan sa isang lipunan kung saan ang dating dominanteng macho male ay puwedeng mawalan ng ego dahil sa pagpapasasalalim sa kanya ng controlling female.


Ito ay pinagbibidahan nina AJ Raval, Kiko Estrada at Angeli Khang. 


Kasama rin sa cast sina  Bob Jbelli, Kate Alejandrino, Shehyee at MJ Cayabyab.


No comments:

Post a Comment