Friday, 19 August 2022

Direk Paul Basinillo talks about his movie “The Escort Wife”

 

By Archie Liao

Mas kilala si Direk Paul Basinillo bilang director ng commercials at concerts at live events nina Sarah G., Vice Ganda, Anne Curtis at maraming iba pa.
Katunayan, nanalo na siya ng international awards sa  mga ginawa niyang commercials sa New York Fest and Ad Fest. 


Pero sa mga hindi nakakaalam, isang magaling na director si Direk Paul na nakagawa na ng mga serye at pelikula to his credit. First full-length film niya ang musical drama na “Indak”  na pinagbidahan noon nina Nadine Lustre at Sam Concepcion. Ngayon, nagbabalik siya sa pagdidirehe ng erotic drama thriller na “The Escort Wife” na mula sa panulat ng acclaimed horror director na si Yam Laranas. 


Ang “Escort Wife” ay kuwento ni Patricia (Janelle Tee), isang bored housewife na naghahanap ng kakaibang adventure sa kanyang buhay. Dahil sa laging napag-iisa sa bahay, matutukso siyang panoorin ang pakikipagtalik ni Chrissy, ang kapitbahay niyang babae na isang prostitute, sa iba’t-ibang lalake. Magiging matindi ang interes niya kay Chrissy, isang high class escort girl na binibigyang-buhay ni Ava Mendez.


Sa kanyang pagmamasid kay Chrissy, hindi niya namamalayan na unti-unti ay niyayakap na niya ang mundo nito lalo pa’t isa sa mga kliyente pala nito ay ang kanyang asawang si Roy na ginagampanan ni Raymond Bagatsing. Pagbabahagi pa ni Direk Paul, halaw daw sa tunay na buhay ang kuwento ng kanyang pinakabagong obra. 


“Actually, inspired siya sa true to life story. There’s this surgeon in the US. It’s about a wife na all of sudden, umaalis siya tuwing Linggo tapos lilipad lang siya papuntang East Coast kasi taga West Coast sila. It’s in the news. Na-inspire doon sa kuwento na iyon. It’s a true story. 


Of course, iyong mga details na pinagkuhanan namin, nag-research kaming mabuti.  Kung ano ba talaga iyong pagiging escort. Ano ba ang kanilang mindset at bakit nila ginagawa ito. Habang pumapasok kami sa mentality nila, lalo naming nakikilala na they are basically ordinary people trying to make a living. Ang buhay talaga nila is meant to be seen, meant to be understood by the world. Kasi, hindi sila dapat agad hinuhusgahan dahil kagaya natin, may sarili rin silang problema except that ang trabahong pinili nila is to be an escort,”paliwanag niya.


Tungkol naman sa mechanics ng kanyang pakikipagtrabaho sa kanyang stars, happy si Direk dahil naging cooperative at professional ang kanyang mga artista.  


“It’s only one word: collaboration with the group. I’m very collaborative with the actors and we  discuss every scene especially iyong mga eksena na mahirap i-execute. For this movie to work, kailangang iyong mga characters has to be in touch with their inner selves.  

Ganoon talaga sila at alam na alam nila iyong hugot na pagkukuhanan nila. Kasi iyong movie requires personalities na hindi natin usually nai-encounter. Kaya’t ginamit namin iyong title na “The Escort Wife” because it’s a story of a bored housewife who, all of a sudden, turns into a life of  prostitution unexpectedly.Iyong kuwento  noon in between, iyon iyong turning point sa pag-acting ng mga karakter. I think, collaboration is the key in terms of the process sa aming lahat,” lahad niya.


Ang “The Escort Wife” ay mapapanood na sa Vivamax simula sa Setyembre 16,2022.

No comments:

Post a Comment