Monday, 4 July 2022

Bb. Pilipinas candidate Stacey Gabriel pushes for mental health awareness

 By Archie Liao

Matunog ang pangalan ni Stacey Gabriel bilang isa sa early favorites sa Bb. Pilipinas 2022 na ang coronation night ay gaganapin sa Hulyo 31, 2022 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang pagsali sa Bb. Pilipinas ang unang attempt ng dating Viva artist sa pagsali sa beauty pageant.

Ayon pa kay Stacey, marami ang kumukumbinsi sa kanya noon pa mag-join sa pambansang patimpalak na panggandahan, pero feeling niya ay hindi pa siya ready noong mga panahong iyon.


 

Fast forward, nangyari ang pandemic, isa raw siya sa mga milyong dumanas ng depresyon at nagkaroon ng mental issues.
Gayunpaman, hindi raw naman siya dumating sa puntong naging suicidal siya lalo pa’t very supportive naman ang pamilya sa kanyang pinagdaanan.

Dagdag pa niya, napaka-importante raw kasi ng support system na nakuha niya sa kanyang pamilya kaya madali siyang maka-recover.
Sa panahon din ng pandemya, doon din daw niya na-realize ang kahalagahan ng magkaroon ng sense of purpose.
 

Kaya naman bilang isa sa mga naka-experience ng depression, gusto raw niyang maging boses din para maka-inspire sa mga taong nakakaranas ng anumang dinanas niya.

 


Isa raw sa mga adbokasya niya ay ang ipalaganap ang mental health awareness.
Si Stacey ay hindi na bago sa showbusiness dahil nakaganap na siya ng iba’t-ibang roles sa pelikula at telebisyon.

Nagkaroon siya ng cameo roles sa mga seryeng “Halik” at bampira sa “La Luna Sangre.” Bilang dating Viva contract artist, nakasama na rin siya sa mga pelikulang “Indak” at “The Day After Valentine’s”.
 

Isa sa pinakamarkadong role niya ang papel ng isang policewoman sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”  
Love daw niya ang mga strong women characters tulad ng role niya sa FJAP kung saan siya nag-aksyon.

Katunayan, isa raw sa dream roles niya ang gumanap bilang superhero sa isang proyekto. “I want to portray empowered, impactful women characters just like a superhero of some sort to showcase women as multi-faceted beings who wears different hats,” ani Stacey.

Bukod sa pagsulong ng mental health awareness, ito rin daw ang isa pang adbokasya niya.
Aminado rin siyang hindi siya naliligtas sa bashers sa social media, pero natuto na raw siyang piliin kung ano lamang iyong constructive criticisms na nakakakarating sa kanya.
 

“I have become more discerning now. Of course, there will be people who will support you and want you to succeed and there are those who would turn you down. Kumbaga, I don’t really read comments. My mom does that. Kung may constructive, sabi ko, pakisabi na lang sa akin kasi their words could be that powerful, too at para na rin for me to improve on what needs to be improved,”paliwanag niya.

No comments:

Post a Comment