Friday 25 February 2022

Pokwang Suportado si Chel Diokno

 By Archie Liao

Idinagdag ng komedyanteng si Marietta Subong, o mas kilala bilang “Pokwang”, has ang kanyang pangalan sa humahabang listahan ng mga artistang sumusuporta kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno.
Noong Martes, nag-tweet si Pokwang ng “Dios mio panginoong mahabagin!! mag @ChelDiokno nalang ako!! kaloka sabi nga ni Gary V, dina natuto….”


Bilang tugon, nagkomento si Diokno ng “Naku po, chel ka lang @pokwang27, Maraming maraming salamat sa suporta.”
Sinabi naman ni Pokwang kay Diokno na isa siyang tagahanga nito, na sinagot naman ng human rights lawyer ng “I’m also a big fan of yours! My son Pepe speaks so highly of you!”, bilang pagtukoy sa kanyang anak, ang award-winning director na si Pepe Diokno.


"Waaaahhh I love him napakabuting tao. Maganda pagpapalaki nyo sa kanya @PepeDiokno,” tugon naman ni Pokwang.
Kamakailan, nakuha ni Diokno ang suporta ng ilang artista, kabilang sina TV host Vice Ganda at aktres na si Heart Evangelista
Nakisalamuha rin si Diokno sa iba pang artista at singer na sumusuporta sa kanya sa campaign kickoff sa Naga City, kabilang sina Rivermaya, Nikki Valdez, Cherry Pie Picache, Bituin Escalante, Agot Isidro at The Company.


Isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan kapag nanalo siya bilang senador.


Paiigtingin din ni Diokno ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapabilidad ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal. 


Makatutulong ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang kaso sa mga hukuman dahil mareresolba na ito sa barangay pa lang.

No comments:

Post a Comment