Thursday, 3 February 2022

NET-25 issues official statement on Pacquiao’s alleged unprofessional behavior

 

By Archie Liao

Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng NET-25 kaugnay umanoý kawalan ng propesyonalismo ng Presidential candidate na si Manny “Pacman’ Pacquiao. Ito ay taliwas sa mga ipinalalabas sa ilang ulat na umatras si Sen. Manny Pacquiao sa interview ng NET25. 


Ang crew at hosts pala ang pinag-pull-out ng TV network dahil sa napakahabang oras na paghihintay ng mga ito sa Presidential aspirant na hindi tumalima sa napagkasunduan. Ayon sa Director ng ASPN Primetime na si Jeannie Gualberto, nakipag-ugnayan ang team ni Pacquiao sa NET25 para ma-interview ng programa ang kanilang kandidato.


Itinakda ang taping alas- kwatro ng hapon noong January 31, 2022, sa kanilang headquarters sa Makati City. Tatlong araw bago ang schedule, ipinalipat nila ng 1PM dahil may conflict daw sa isa pang interview sa ibang network. Subalit sa mismong araw ng scheduled interview, ibinalik muli sa 3 PM, sa kadahilanang may senate session. Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay humirit na naman na gawing 4 PM dahil patapos na raw ang session. Nang hindi pa rin dumating sa 4PM, nag-abiso muli ang kaniyang staff; magbobotohan na raw at pagkatapos nito ay makakaalis na siya mula sa kaniyang bahay.


Sa puntong ito, nasa sampung oras nang naghihintay ang media crew ng NET25. Kasama nilang naghihintay ang ka-tandem ni Sen. Pacquiao na si Mayor Lito Atienza na dumating naman ng alas-12 ng tanghali sa naturang HQ para sa interview.


Pagsapit ng alas-singko ng hapon, wala pa rin ang dapat sana'y i-interview-hin ng team. Nang makarating sa management ang pinagdaraanan ng crew at hosts, napagdesisyunan na i-pack-up ang panayam at i-pull-out lahat ng gamit. Ikinonsidera ng management na ang Team ASPN ay mayroong live program pa sa umaga at nakatakdang magsagawa ng interview kay Presidential aspirant Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. at Atty. Larry Gadon sa hapon. Ikinadismaya ng network ang kawalan ng respeto sa oras ng kapwa. Lubos pa na nakapagpalala rito ang naglalabasang report na taliwas sa katotohanan. 

Marami na nga ang kumukwestyon sa kaniyang kakayahan at karanasan na pamunuan ang bansa sa gitna ng gahiganteng problema na dulot ng pandemya. Idagdag niyo na ngayon d'yan ang kwestyon sa pagkatao niya. RESPETO SA KAPWA. LALO NA SA MALILIIT. ALAM MO DAPAT. DAHIL DOON KA GALING.
Bukas naman ang pitak na ito sa umanoý  pambibitin o no show ni Pambansang Kamao sa nasabing okasyon.


No comments:

Post a Comment