Tuesday 15 February 2022

Hipon Girl, gagawing beauty queen ni Wilbert Tolentino!

 

By Archie Liao

Maganda ang pasok ng taon sa successful business man, vlogger at philanthropist na si KaFreshness Wilbert Tolentino. Maliban sa kanyang alagang si Daisy Lopez aka Madam Inutz, latest addition sa kanyang lumalaking pamilya ang isa pang internet personality na si Herlene Budol aka Hipon Girl na kamakailan ay pumirma ng kontrata sa kanya. Tulad ng online seller turned PBB housemate na si 

Madam Inutz, inaasahang bobongga ang karera ni Hipon Girl sa kanyang pangangalaga. Gaya ng naglalabasang balita, iba na ang level ni Madam Inutz mula nang i-manage siya ni Wilbert.


Maliban kasi na talagang ginagastusan at binibigyan siya ng todong suporta ni KaFreshness, meron pang ilang perks na ini-enjoy si Madam Inutz tulad ng regalong house and lot  worth P5M.
In a very short period of time, nagkasunod- sunod din ang release ng mga single ni Madam Inutz namely Inutil, Sangkap ng Pasko, Marites at ang pinakahuli ay ang Madam.

Ang naunang single ni Madam na Inutil ay nag-enjoy ng sandamakmak na airplays sa  leading FM stations dahil sa dami ng mga request.
At 'yan din ang malamang na mangyayari kay Hipon Girl ngayong officially ay business manager na niya si Wilbert.


At the rate things are going, mukhang maraming talents, especially internet personalities, ang gusto nang magpa-manage kay Wilbert dahil sa agresibo at kakaibang pag-aalaga niya sa mga ward.


Kaya naman no wonder at excited na rin si Hipon Girl sa mga mangyayari sa kanyang career ngayong under the helm na siya ng isang legit at matinong business manager like KaFreshness Wilbert Tolentino.


Malaki ang plano ni KaFreshness Wilbert sa career ni Hipon Girl dahil aside from big projects sa business of show na nakalatag na sa harapan ng TV host/comedian ay ire-repackage siya ng kanyang bagong manager to become a beauty queen. Yes, you heard it right!


Kaya naman approve at naka-thumbs up ang mga netizens sa career move na ginawa ni Hipon Girl dahil nasa mabuting mga kamay na siya ngayon under the direction of KaFreshness Wilbert Tolentino. 


Oo nga pala! May panawagan si KeFreshness Wilbert sa mga talent coordinators at agents na since never naman siya kumukuha ng commission sa talents (Hipon Girl at Madam Inutz) unlike other managers, ay pwedeng-pwede silang mag-book at magbigay ng product endorsements sa dalawa lalo at 10 to 20% comission ang pwedeng makuha!
E, 'di wow talaga!


Kaya sa mga agents and talent coordinators na gusto ng additional income kina Hipon Girl at Madam Inutz, pwedeng mag-text sa 09175468845 para mabigyan ng email address kung saan sila pwede mag-send ng proposal para sa scope of work. Iba talaga kapag talent ka ni KaFreshness Wilbert.

 

No comments:

Post a Comment