Wednesday 17 February 2021

Gardo enjoys his newfound popularity as Tiktok Tito

 By Archie Liao

Blessing in disguise na maituturing ni Gardo Verzosa ang lockdown.

Naging oportunidad kasi ang quarantine para lumabas ang pagiging malikhain niya sa panahong pinaglalabanan niya ang pagkaburyong. 

Sa pagtiTiktok, nabigyan ng bagong sigla ang kanyang karera bilang Tiktok Tito. 

"Actually, iyong makapagpasaya ka ng mga tao ay malaki nang bagay. Hindi naman sa nakikiuso, pero masarap lang sa feeling na nakakapagpasaya ka sa panahong maraming may pinagdadaanan dahil sa pandemya," aniya. 

Hindi man namo-monetize ang Tiktok, nagpapasalamat din siya dahil sa kanyang edad ay muling nagkaroon ng sigla ang kanyang karera.

"Sa Tiktok kumbaga, maganda ang following, kaya nga feeling ko kaya siya pinapasok ng mga pulitiko dahil maganda siya sa pangangampanya. So, nagpapasalamat din ako dahil blessing in disguise siya.May pumapasok na projects. Kapag may mga produkto o kaya'y may ayudang pinapadala, sabihin sa iyo, 'O, ipaTiktok mo ito.'," aniya. 

Aniya, ultimong ang dating producer daw niyang si Robbie Tan noong gumagawa pa siya ng sexy films ay natulungan niyang mai-promote ang produkto nitong wallet thru Tiktok. Ito raw naman ay ginawa niya bilang pagtanaw ng utang na loob sa dating Seiko Films producer. 

Madugo rin para kay Gardo ang proseso ng paggawa ng Tiktok mabusisi rin ang paghahanda rito. Collaborator niya rito ang asawang si Ivy Vicencio. Gayunpaman, di raw niya alintana ang pagod dahil enjoy siya sa kanyang ginagawa. 

Sa pagti-Tiktok, viral ang kanyang videos kung saan sumasayaw siya habang naka-high heels. Huling nag-trending din ang Tiktok video niya kasama ang Kathniel. Hirit pa ng aktor, itutuloy daw niya ang pagti-TIktok man pandemya man o wala. Si Gardo ay isa sa mga bida ng "Ayuda Babes" na idinirek ng award-winning composer at film director na si Joven Tan at iprinudyus ng Saranggola Media Productions ni Edith Fider. 

 


Kasama rin sa pelikula sina Iyah Mina, Ate Gay, Joey Paras, Juliana Parescova Segovia, Negi, Brenda Mage, Petite Brockovich, Berni Batin, Christi Fider, Zeus Collins at Bidaman Dan Delgado. May espesyal na partisipasyon din sina Marlo Mortel at Marc Logan. 

Ang "Ayuda Babes" ay isang masayang kuwento ng mga taong naapektuhan ang mga buhay sa panahon ng lockdown. Mapapanood na ang napapanahong obrang ito sa iWant TFC simula sa Marso 5.



No comments:

Post a Comment