Tuesday 27 May 2014

Movie Review: Ang Bagong Dugo


I was invited to the premiere night of Ang Bagong Dugo held last May 25, 2014 at Fishermall. Madalang lang tayo makapanood ng isang pinoy action film kaya I always look forward sa mga ganitong klaseng pelikula. In fairness sa pelikulang ito hindi ito yung typical na pinoy action film na napapanood natin several years ago. Madaming mga bagong element na ipinakita sa pelikulang ito. Una na rito ang multi-layer structure of story na kung saan every 20 minutes ay may mga twist and revelation of story na pinapakita hanggang sa marating mo yung pinaka core ng story maski hanggang sa ending ay may mga pasabog ang pelikula.


Mahusay din ang screenplay ng pelikula at may mga dialogue na talagang tatatak sayo at alam mong pinag isipan. Hindi ka rin maiinip habang pinapanood ang pelikulang ito dahil talagang aabangan mo ang mga susunod na eksena. Malinis din ang pagkakaputol sa bawat eksena at maayos ang pagkakatagpi tagpi ng mga eksena na kahit nonlinear story telling ang treatment ay well executed and smooth sailing ang takbo ng pelikula. 


Malaking bagay na isang magaling na aktor ang kinuwa sa pelikulang ito dahil talaga namang nagampanan ng maayos ni Joem Bascon ang kanyang character sa pelikula. May lalim at hugot ang bawat salitang binibitawan ni Joem kaya talagang mararamdaman mo ang emosyon na gusto niyang ipakita. Katuwang ni Joem sa pelikulang ito ang mga mahuhusay na character actors sa ating industriya. Tulad ni Mark Gil na napakahusay sa pelikulang ito gayundin sina Roi Vinzon, Alvin Anson, Alma Concepcion at Dick Israel. Mukhang promising din ang baguhan na si Ian Ignacio na mahusay ng umarte sa una pa lang niyang pelikula at talagang binagay ang itsura sa pelikulang ito na hindi ko nakilala sa personal dahil  gwapo pala. Ang leading lady ni Joem na si Alexis Navarro na napanood ko rin sa Tinik noong sineng pambansa ay isa sa mga aabangan ng mga kalalakihan sa taglay na kagandahan.


Madaming mga kaabang abang na eksena sa pelikula na nakakashock talaga lalo na yung mga eksena ni Joem kasama ang mga preso. Hindi mo rin aakalain ang mga twists and turns of story sa pelikula. Para sa mga manonood ng pelikulang Pilipino lalo na sa mga kalalakihan na nasasabik na makapanood ng pinoy action flick I am recommending to watch this film. The film tries to remove and improve the entire traditional element of pinoy action flick that we use to have and they succeeded in achieving this.  So if you want to watch a different genre of local film aside from the romcom and comedy flicks that we always have this movie is worth of your time watching.





My Verdict:  3.5/5






Joem Bascon @ premiere night of Ang Bagong Dugo
Cast and Crew of Ang Bagong Dugo @ premiere night of Ang Bagong Dugo

Joem Bascon and Alexis Navarro @ premiere night of Ang Bagong Dugo

Alma Concepcion @ premiere night of Ang Bagong Dugo

Alexis Navarro @ premiere night of Ang Bagong Dugo

Joem Bascon @ premiere night of Ang Bagong Dugo

Direk Val Iglesias @ premiere night of Ang Bagong Dugo



Ian Ignacio @ premiere night of Ang Bagong Dugo

Joem Bascon @ premiere night of Ang Bagong Dugo





No comments:

Post a Comment