Inihahandog ng 3J’S film and
entertainment production ang pagbabalik ng pinoy action film na matagal na
nating hindi napapanood sa mga sinehan. Isang pelikulang punong puno ng aksyon “Ang
Bagong Dugo” pinagbibidahan ng isa sa pinakamahusay na aktor sa henerasyon
ngayon na si Joem Bascon. Kasama rin sa pelikula ang mahuhusay na aktor na sina
Mark Gil, Monsour Del Rosario, Dick Israel, Roi Vinzon, Efren Reyes, Alvin
Anson, Levi Ignacio, Levi Almares, at aktres na sina Analiza Milagring Baldondo
at Alma Concepcion. Ipinakikilala sina Alexis Navaro bilang leading lady ni
Joem at si Ian Ignacio na isang mahusay na Martial Arts Expert. Ang pelikulang
ito ay mula sa direksyon ng isang mahusay na stunt director na si Val Iglesias
na nagkaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang mahuhusay na action star na sina
Rudy Fernandez, Robin Padilla at Eddie Garcia.
Nabanggit ni Direk Val sa
presscon ng pelikula ang kanyang kagustuhan na muling buhayin ang action films
sa Pilipinas upang mabigyan ng ibang putahe ang mga manonood at para na rin sa
mga kalalakihan na matagal ng hinahanap ang ganitong pelikula. Hindi lang basta
puro aksyon ang pelikulang ito, may mga moral values din itong maituturo lalo
na sa mga pamilya at tungkol sa pagpapatawad. Ang mga action scenes sa
pelikulang ito ay sadyang pinag aralan mabuti at ginawang makatotohanan ngunit
pinanatili pa rin ni Direk Val ang kaligtasan ng kanyang mga aktor. Nasabi din
ni Direk Val na nakikita niya kay Joem ang nasirang Rudy Fernandez sa husay sa
pagganap sa pelikulang ito mapadrama man o aksyon. Namangha ang director ng makita
si Joem na lumuluha sa ilang mga eksena dahil madalang sa mga action star ang
nakakagawa ng ganito.
Nasabi ni Joem Bascon sa presscon
na ang kaibahan niya sa ibang mga action star ay ang kakayahan niya na lumuha
at ipakita ang ganitong emosyon sa maaksyon na pelikula. Malaking bahagi sa
paggawa ni Joem ng pelikulang ito ang paggabay sa kanya ng kanyang tinatawag na
Tatay Val na si direk Val Iglesias, sa pagtuklas ng kanyang kakayahan na kung
ano pa ang kanyang maaaring ipakita bilang aktor. Nabanggit din ng aktor na ang
action drama ang genre na gusto niyang tahakin sa kanyang karera ngayun matapos
magawa ang pelikulang ito.
Buo ang suporta ng mga cast and crew
sa pelikula, mula sa mall show, premiere night hanggang sa presscon na ginanap
noong May 25 2014 sa Fisher Mall, Quezon City. Kabilang na ang producer na si
Brian Gonzalez na unang sabak pa lang sa pagproduce ng pelikula at walang takot
na mamuhunan para sa isang action genre na pelikula.
Antayabanan ang aking susunod na
blog entry para sa movie review ng Ang Bagong Dugo. Ang Bagong Dugo ay
mapapanood sa mga sinehan sa buong Pilipinas sa Hunyo 18, 2014.
CASTS
IN CINEMAS JUNE 18, 2014 NATIONWIDE
No comments:
Post a Comment