Monday 6 June 2022

MBC at AQ Prime, sanib-puwersa

 

By Archie Liao

Nagkaroon ng contract signing ang AQ Entertainment and Prime Stream, Inc. kasama ang representatives ng SBT Entertainment at MBC Plus. Pumirma sa panig ng A&Q ang CEO nitong si Atty. Aldwin Alegre at COO na si Atty. Honey Quiño. Naka-barong Tagalog namang pumirma ang mga Koreanong sina Danny Seo at Lee Kwang Rok para sa SBT at MBC. Inaaasahan ng dalawang panig ang tagumpay ng pinakabagong streaming platform sa Pilipinas na magagamit din sa ibang bansa gaya ng Korea.

Ginanap ang grand launch ng AQ Prime Stream sa Conrad Manila nitong June 4 at dinaluhan ng mga celebrity, media at cast and crew ng mga pelikulang magiging unang pasabog ng AQ Prime at Director's Cut by AQ simula ngayong Hunyo.

Kasama sa mga VIP mula Korea si Dr. David Shim, isa sa mga co-producer ng mga award-winning at critically-acclaimed na pelikulang "Parasite" at "Gladiator" starring Russell Crowe. Siya rin ang may-ari ng high-end Korean restaurant na Kiwa na matatagpuan sa Solaire. Si Dr. Shim ang president and owner of Solaire Korea.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang social media accounts ng AQ Prime Stream at Director's Cut by AQ.


No comments:

Post a Comment