Friday 3 June 2022

Direk GB Sampedro says “High on Sex” infuses the teen comedy genre with fresh values

 

By Archie Liao

Napapanahon ang bagong sex comedy series na “High on Sex”ni Direk GB Sampedro dahil marami ang makaka-relate sa tema nito lalo na ang millennials.
Kuwento kasi ito ng sexual awakening ng limang senior high students ng isang catholic university.

Ani Direk GB, kahit maraming eksena ng hubaran sa serye, hindi raw naman niya ginawa ito to cater to the prurient interest of his viewers.
Higit sa mga nakakatawang eksena ng sexual exploration ng kanyang mga karakter, aniya, may values daw na in-infuse siya sa kuwento.

“Lahat naman tayo dumaan sa phase na nag-e-explore, lalo na sa high school. Nag-e-explore tayo sa maraming bagay, kasama na ang sex, sa relationship,”ani Direk. “More than the sex sa series, ipinakikita rito ang journey ng mga karakter, iyong pagkamulat nila sa mundo. Ipinakikita rito iyong mga karanasan nila on how they confront issues not only about sex, but also about  finding their identity. As they gain knowledge from their classes, they also gain experiences that help them navigate questions about themselves, their families and about love. It talks about their exploits, their struggles and most of all, the lessons that they learn, too,”paliwanag ni Direk GB.


Dagdag pa ng Vivamax hit director (Kaka, Crush Kong Curly, Kinsenas, Katapusan, Doblado), importante rin daw na pag-usapan ang tungkol sa sex at sexuality sa panahong ito dahil ito ang realidad ng ating makabagong panahon.
“Ibang panahon na tayo ngayon eh. So, dapat pinag-uusapan nga natin iyan para aware ang mga kabataan sa kung ano ang mae-experience nila sa buhay nila. Pero siyempre, kailangan may mga ikukunsidera rin tayo sa paggawa ng ganitong series tulad ng values,”dugtong niya.
Pagbabahagi pa niya, para malapit sa katotohanan at may pagbabatayan, nagsaliksik  rin daw ang kanyang team sa pulso ng kabataan.

Kasama na raw dito ang panayam na ginawa nila sa mga kabataan tungkol sa kanilang mga  pananaw tungkol sa tema ang seks at sekswalidad.

Sa “High on Sex” tampok sina Wilbert Ross bilang Gibo, isang iskolar na nagkaroon ng affair sa kanyang sexy teacher na si Mrs. Salva( Rob Guinto), Migs Almendras bilang Wes, isang “fluid” guy na nasa proseso ng paghahanap ng kanyang tunay na sexual identity, Denise Esteban  bilang Issa, isang babaeng may reputasyong pakawala na sa totoo ay isang birhen, Angela Morena bilang Mavic, isang estudyanteng mukhang inosente pero nasa loob ang kulo at Kat Dovey bilang Karla, ang misteryosang ex ni Gibo.(Ross)


Kasama rin sa cast ang mga iba’t-ibang makukulay na karakter na ginagampanan nina Marco Gomez, Micaella Raz, Andrea Garcia, Juami Gutierrez, Katya Santos, Sheree Bautista, Mark Carpio at marami pang iba. Ang “High on Sex” ay mapapanood na sa Vivamax simula sa Hunyo 5.

No comments:

Post a Comment