Monday, 21 December 2020

Wilbert Tolentino continues to make waves on Youtube

 

By Archie Liao

Sa anumang larangang pasukin ng dating Mr. Gay World titlist na si Wilbert Tolentino, mapa-pageant man o negosyo, laging naroon ang puso niya para sa kawanggawa. Katunayan, nang maging abala siya bilang national director ng Mr.Gay World Philippines, naging adhikain na niya ang tulungan ang mga nangangarap sa pageant world na matupad ang kanilang mga pangarap at iangat ang LBTQ community. 

Kahit sa kanyang mga negosyo (entertainment, BPO at iba pa) bilang businessman, kasama na rin sa vision at mission niya ang charitable component at makapag-ambag ng tulong o serbisyo. Sa mga nasalanta ng kalamidad, naroon siya para magbigay ng ayuda. Bilang Covid-19 survivor, gusto rin niyang maging inspirasyon sa lahat ang kanyang pinagdaanan. Ngayong pinasok na niya ang vlogging, gumawa agad ito ng record dahil sa loob lamang ng humigit kumulang na dalawang buwan ay na-achieve na nito ang Silver Play Button record, na maituturing na achievement para sa isang baguhan. “Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad . Ganoon din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” ani Sir Wil.

Aniya, dahil sa magandang feedbacks ng kanyang vlogs, sobra siyang nai-inspire na pagbutihin pa ang content nito. “Hindi nagkakalayo ito bilang isang co-owner ng tatlo kong entertainment bar (Apollo, Club 690, Fahrenheit). Dapat maglabas ng kakaibang content. Ang mga magagandang komento na nababasa ko ay nagsisilbing inspirasyon para gumawa pa ako ng marami pang content. Para mabigyan ko ng kasiyahan at libangan ang mga tao,” pakli niya.

Hirit pa niya,gusto rin niyang gamitin ang power ng social media para mapagbuklod-buklod ang influencers. “Ang adbokasya ko sa paggawa ng vlog ay para lumawak ang aking network at bumuo ng isang malaking convention para sa mga sikat na influencer sa iba’t ibang social media tulad ng Instagram, Twitter, Youtube, Lyka, Facebook. 

Para tulungan ang mga negosyanteng naapektuhan sa pandemya.” May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na. “Magkakaroon ako ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021. Ito ay para ma-cater natin ang mga press, media at mga vloggers kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers para sa kanilang negosyo,” lahad pa niya. Gumawa rin siya ng music video na Kafreshness ng Pasko na nagsisilbing inspirasyon at ligaya ngayong pandemya. 

Nagkaroon din ng pagkakaisa at sanib-puwersang aliw sa kanyang vlog dahil sa mga collab niya sa Beks Battalion (Chad Kinis, Richardson de la Cruz, Reginald Lassy Marquez, Mc Muah Calaquian). Ganoon din sa DoLaiNab (Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake). May collab din siya kay Sachzna Laparan.Pati sa Kapuso actress na si Sanya Lopez. May pasabog din siya kasama ang JaMill (Jaysam Manabat, Camille Trinidad). At dahil generous talaga si Sir Wil mamahagi sya ng blessings para sa mga solid kafreshness subscriber. “Despite the struggles and challenges that we are facing global health issues. 

Bangon tayo mga Pilipino. ‘Wag nating hayaan na lamunin tayo ng lungkot!! Spread positive vibes at dapat tayo laging fresh. See you on December 24, 2020, 7pm para lang sa exclusive kafreshness subscriber for Noche Bola Raffle Bonanza,” aniya.



No comments:

Post a Comment