By Archie Liao
Kamakailan inilunsad na ang bagong talents ng EBQ Music Production na pagmamay-ari nina Evelyn at Nick Quintua. Ayon kay Madam Evelyn, bukod sa pagtuklas ng mga bagong talento, layunin ng kanyang produksyon na makatulong sa mga talentadong kabataan na naghihintay lamang ng tamang break sa music industry. Naniniwala kasi siya na sa pool ng kanyang artists ay ipanganganak ang mga bagong sibol ng OPM icons tulad nina Gary Valenciano, Moira Dela Torre, Regine Velasquez, Sarah Geronimo at marami pang iba. Ang EBQ RnB Prince na si Juan Gelido, 21, ay isang versatile artist na ang idolo ay si Gary Valenciano. Kakaiba ang timbre ng kanyang boses dahil keri rin niyang bumirit lalo pa't paborito niyang singers sina Andrea Bocelli at Luciano Pavarotti.
Pangarap din niyang maging isang Daniel Padilla na bukod sa magaling umarte ay mahusay ding umawit. Debut single niya ang "Lagi Na Lang." Future Sarah Geronimo naman ang peg ng 13 year old na si Jhanine Reco na pride ng Malabon. Kung mabibigyan ng pagkakataong mag-artista, bet daw niyang sundan ang yapak ni Jillian Ward. "Nasan Ka Na?" ang pamagat ng kanyang debut single. Ang 17 year old stunner na si Athena Jireh naman na tubong Albay ang future pop princess sa tradisyon ni Morisette Amon.Mas bet daw niyang maging singer kesa mag-artista dahil may anxiety attack siya. Gayunpaman, para raw ma-overcome niya ang kanyang takot, game raw siyang subukan ang pag-arte. Avid fan siya ni Andrea Brillantes at may debut single titled "Malay Mo."
May karibal naman si Athena sa katauhan ng 19 year old Education student na si Francesca Paola na faney ni Francine Diaz. Tulad ng kanyang idolo naniniwala siya sa kasabihang "Simplicity is beauty." Certified Kathniel fan din siya na sa ngayon ay umeekstra na rin sa mga pelikula. Isa ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha sa kanyang mga iniidolo. "Una Kitang Minahal" ang titulo ng kanyang unang single. Ang pinakabata namang si Jheo Vestidas ay isang tagahanga ni Angeline Quinto.
Tulad ng awitin ng kanyang idolo, patuloy siyang nangangarap na magkaroon ng puwang sa music industry. Naniniwala kasi siyang tulad ng kuwento ng kanyang buhay ay marami siyang puwedeng ibahagi sa kanyang musika.First single niya ang "Nais Ko." Ang OFW naman na si Marietta Francia aka Evergreen ay isang promising musical composer. Ilan sa mga komposisyon niya ang "Hanggang Ako'y Magmamahal", "Sayang Lang" at "Lagi Na Lang" na ini-record para sa Polyeast Records.
No comments:
Post a Comment