Friday, 19 May 2023

Bruno Mars to hold 2-day concert at the Philippine arena

By Archie Liao

Dahil may dugong Pinoy, may special spot na sa puso ng Fil-Am multiple Grammy award winning singer, composer at record producer na si Bruno Mars ang Pilipinas.
Katunayan, kahit sa Hawaii isinilang, proud ang internationally acclaimed singer sa kanyang roots: isang Puerto Rican ang kanyang ama samantalang isang Pinay naman ang kanyang ina.


Dagdag pa riyan, malapit ang famous American singer sa kulturang Pinoy.
Sa isang interview noon, sinabi nitong chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. Matatandaan ding nagpadala ito ng $100,000 na tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda pagkatapos ng 2014 concert nito sa Pilipinas.
Kaya naman kung may pagkakataon ay pilit niyang binabalikan ang kanyang pinagmulan.


Sa mga libu-libong fans ni Bruno Mars, isang magandang balita dahil magdaraos ang famous pop superstar ng two-day concert sa Philippine Arena.
Ang naunang inianunsyo na June 24 concert ay masusundan kaagad ng isa pa, sa June 25, dahil na rin sa 'overwhelming demand' para sa tickets. 


Nakilala si Bruno Mars sa mga kantang "Billionaire," "Just the Way You Are," "Treasure," "Leave the Door Open," "When I Was Your Man," at marami pang iba. Hinangaan siya ng marami dahil sa kaniyang galing sa paggawa ng musika, pagtatanghal at pagiging mapagmahal nito sa fans.
Isa lamang siya sa malalaking artists na nakalinyang magtanghal sa Philippine Arena ngayong taon.


Hitik sa international concerts ang Philippine Arena dahil sa dobleng laki ng venue kumpara sa mga nakasanayang indoor concert venues sa bansa. Maliban sa mas marami ang nakakapanood, mismong mga artists ang naaaliw sa mas malakas, mas maingay at mas energetic na crowd na sumasabay sa kanilang pagkanta at pagsayaw.


Tila nagsisilbi ring barometro ang Philippine Arena sa katanyagan ng international artists sa bansa. Talaga namang tinangkilik ang concert ng SEVENTEEN, BLACKPINK at ni Harry Styles. Sa ulat ng local media, SEVENTEEN ang kauna-unahang K-Pop group na nakapuno ng Philippine Arena. 'Full force' naman ang BLINKs o fans ng BLACKPINK sa two-day concert ng grupo.


Lalo pa ngang pinagaganda ng organizers ang concert experience sa Philippine Arena. Panibagong sistema ng traffic flow management ang ipinatutupad habang sinisiguro rin ang transportasyon ng mga gustong makapunta sa venue para manood.


Kaya inaasahang magiging masaya at makabuluhan ang pagtatanghal ni Bruno Mars sa Philippine Arena. Mas malaking venue at mas maraming fans ang makakapanood sa ating kababayan na nakilala sa buong mundo dahil sa kaniyang husay sa larangan ng musika. Para sa tickets at iba pang katanungan, bisitahin anghttps://www.livenation.ph

No comments:

Post a Comment