Wednesday 9 January 2013

Update On Our Local Film Festival


Masters Film Festival 
 
Ayon kay Mr. Briccio Santos, presidente ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang labindalawang seasoned filmmakers na naka-line up upang gumawa ng mga bagong indie films ngayong 2013 para sa MASTERS FILM FESTIVALS (not final title yet) ng FDCP ay sina (in alphabetical order): Tikoy Aguiluz, Mel Chionglo, Maryo J. delos Reyes, Peque Gallaga, Joel Lamangan, Elwood Perez, Gil Portes, Jose Javier Reyes, Chito Roño, Carlos Siguion-Reyna, Romy Suzara, and Jun Urbano. Kaabang-abang ang movie event na ito ng mga batikang direktor ng pelikula. Sayang at hindi na-convince si Direk Mike de Leon na isa rin sa mga kinausap ni Santos. 

Cine Filipino Film Festival 

Ngayong January 10, Thursday, na gaganapin ang announcement ng eight (8) official finalists ng 1st Cine Filipino Film Festival 2013, ang pinakabagong independent film festival ng bansa, produced by Unitel Productions, Studio 5 (film arm ng TV5), Smart-PLDT, and Media Quest. Ayon kay Vincent Nebrida, festival director, a total of 146 film scripts ang nai-submit ng indie filmmakers last year na na-trim down into Top 30 short list, hanggang sa Top 16 semi-finalists na dumaan sa final stage of interviews noong January 3 and 4.


Cinemalaya 2013

Heto ang listahan ng mga finalists para sa Director‘s Showcase ng Cinemalaya 2013: Gil Portes, Ces Evangelista, Adolf Alix, Jeffrey Jeturian, at Jerrold Tarog. Para naman sa new breed, heto ang "partial list" mula sa source ng PEP: Chris Ad Castillo, Richard Legaspi, Edward Roy, Mikail Red, Jason Laxamana, Alvin Yapan, Carlo Obispo, Tyron Acierto, at Joseph Laban


  



 Source: pep.ph

No comments:

Post a Comment