Wednesday 15 February 2023

Cherie Pie ,willing to play Imelda Marcos

 By Archie Liao

Proud si Cherie Pie Picache na kasama siya sa napapanahong pelikulang “Oras de Peligro” na idinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan na makakatapat ng “Martyr o Murderer”ni Direk Darryl Yap sa Marso 1.

Aniya, ang pelikula ay base sa mga tunay na pangyayari na naganap sa isang pamilya apat na araw bago maganap ang 1986 EDSA revolution.

Hirit pa niya,ipinagmamalaki raw niya na makasama siya sa isang pelikulang tunay na nagsasalamin ng katotohanan.

“I think the beauty of the film, ng Oras de Peligro, is actual, factual footages that happened during that time are going to be shown,” ani Cherie Pie. “At makikita. That’s one of the beauty of the film, bukod doon sa sinasabi ni Direk na buhay namin, buhay ng pamilya ng character ko.

“I think yun nga, one of the beauty of the film is actual and factual footages that happened during 1986 is going to be shown.

“Ngayon, papaano makakapagsinungaling yun? At yun ang importante na mapanood lalung-lalo na ng mga kabataan na hindi naranasan yung EDSA Revolution.

“Tapos sana, in our own little way, through the film, sana nga mamulat na ang taumbayan. Kasi paano tayo aasenso kung hindi mulat ang mga mata natin?

“Panahon na para mamulat tayo.”

Sa panayam ng MyMovieWorld, naitanong namin kung gaano kaimportante sa kanya na magsaliksik muna o kilalanin ang kanyang karakter since ang role na ginagampanan niya ay composite ng mga totoong taong nakaranas ng inhustisya noong panahong iyon.

“Siguro hindi na importante para makilala pa siya. Kasi, most of the characters naman, pag magpo-portray ka ng real-life story, di ba, it’s either wala na, or you pay an homage to them, yung ganun,” sey ni Cherry Pie.

Sa tanong naman namin kung kailangang naniniwala ba siya sa karakter na ginagampanan niya, ito ang kanyang naging tugon.

“I mean, we’re actors. We’re actors. We’re here to portray roles and characters,” paliwanag niya. “So siguro a matter of preference na lang sa isang aktor kung dapat ba niyang paniwalaan yung ginawa niya o hindi. Pero I think if you’re portraying a true-to-life character — it is vital, it is important na factual yung meron. Depende rin iyon sa direktor at sa collaboration,”pahabol niya.

s | Hearts Rehearsal

Naurirat din namin siya kung pumapasok ba sa isip niya ang social responsibility sa mga manonood at sa sambayanang Pilipino sa pagganap niya ng real-life character.

“Honestly, that’s why I feel very honored that I was offered to be part of this film.Because I think it’s high time that we all give our contribution. Responsibility natin.”

Tinanong din namin siya kung okey lang sa kanyang gumanap bilang Imelda Marcos kung sakaling may mag-offer sa kanya.

“By Darryl Yap?” tanong ni Cherry Pie.

Tugon namin, “Kahit hindi si Darryl Yap ang direktor, tatanggapin mo ba?”

“Depende sa konteksto ng pelikula. At saka sa script, why not? Di ba?,”sey niya. “Pero by Darryl Yap? No!”, pahabol niya.

Bakit ayaw niyang magpadirek kay Direk Darryl?

“Ewan ko. May konsensiya pa ba siya?” makahulugang sabi ni Cherry Pie.

Reaksyon ni Darryl Yap

Sa kanya namang Facebook account, nag-react si Direk Darryl Yap sa mga naging pahayag ng lead actress ng “Oras de Peligro”.

Ito ay dahil sa patutsada ni Cherie Pie kung may konsensya pa raw ba ang director ng “Martyr or Murderer” dahil sa Marcos films na ginagawa nito.

 

Sa kanyang pahayag, sinabi rin niya na kung ang beteranang aktres ay ayaw padirek sa kanya, wala rin daw siyang deklarasyon na gusto niya itong makatrabaho.

 

Sa kanyang Meta account, ito ang kanyang reaksyon.

 

“Aking Reaksyon tungkol sa Pahayag ni Ms. Cherry Pie Picache.

tinatanong po ni Miss Cherry Pie Picache kung may konsensya pa raw ba ko dahil sa mga Marcos films na ginagawa ko.

Sasagutin ko po ang tanong nya,

ng dalawang tanong.

1. Alin kaya sa eksena sa #MAIDinMALACAÑANG at #MARTYRorMURDERER ang hindi totoo, napanood na ba nya ang #MIM, kasi ang #MOM ineedit ko pa. Ano sa loob ng mga gawa ko ang kasinungalingan?


2. Napakahusay umarte ni Miss Cherry Pie, pero ngayon lang ako parang naOAyan sa kanya (actually pangalawa na pala ito, una nung umiyak sya sa kampanya ni Leni at para siyang CEO na isang pyramiding company na sumisigaw ng MANGHIKAYAT KAYO!)

ito, seryosong tanong Miss.

Napanood ko kasi kung paano mo pinatawad ang pumatay sa Nanay mo, ang pagsabi mo ng magagandang bagay patungkol sa pangtanggap at pagbibigay katwiran sa mismong kriminal na pumatay sa Nanay mo— naisip ko, YUNG PUMATAY SA NANAY MO, NAYAKAP MO.

sigurado kang may kabutihan sa kanya—

Ako, na gumagawa lamang ng pelikula (na dahilan kung bakit kayo may pelikula) AKO ANG

TINATANONG MO KUNG MAY KONSENSYA? at wag po kayong mag-alala; wala naman po akong deklarasyon na gusto ko kayong makatrabaho.

No comments:

Post a Comment