Tuesday 11 October 2022

PIE Channel introduces new and exciting game and talent shows

 

 By Archie Liao

Aariba na ang bagong game at talent shows ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) tulad ng PIENALO PINOY GAMES, PIEGALINGAN, at PAK PALONG FOLLOW. Habang naaaliw, may tsansang manalo ang virtual viewers ng halagang P50,000 sa mga kakaibang laro nito sa PIENALO PINOY GAMES. 

Mula Lunes hanggang Biyernes, bibida ang “Matching Matching” (7 pm – 8 pm), isang matching card game na isinusog sa larong ungguy-ungguyan at “Dagdag Bawas” (6 pm – 7 pm), isang interactive game kung saan masusubok ang galing ng mga Pinoy sa pagiging ‘tantyadors.’ Tuwing Linggo naman, doble ang kasiyahan at papremyo dahil hanggang P 100,000 ang nakalaang pot money sa “PoB Sana All!” (6 pm – 8 pm), ang pagbabalik ng iconic ABS-CBN game show na “Pera o Bayong.” 

Kaabang-abang din ang “Sino’ng Manok Mo?” (6 pm – 8 pm) tuwing Linggo kung saan ang mga manonood ay puwedeng pumusta sa bet nilang guest celebrities para maglaro at manalo ng naglalakihang cash prizes. Makaka-bonding dito ang PIENALO PINOY GAMES jocks na sina Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (Linggo). “Mas nagu-grow kami ‘nung nadagdagan kami na hosts. Masaya po kami off-cam. Talagang ang iingay namin and meron kaming group chat na nagpaplano kami ng mga gusto naming suotin or gawin for the show,” ayon kay Eian Ayon naman kay Nicki,bilang pampa-good vibes, nakaugalian na nilang magdasal bago magsimula ang show kasama ang kanyang co-PIE jocks. “Before mag-start ‘yung show, nagdadasal kami. 

Palagi naming mantra sa show, magbabago kami ng buhay today. Kasi everyday marami kaming napapapanalong viewers,” ani Nicki. Iba't iba namang talentadong Pinoy ang isho-showcase sa PIEGALINGAN na iniho-host nina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado), at PAK PALONG FOLLOW kung saan tampok sina Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo). Para sa PBB big winner na si Anji, labis ang pasasalamat niya dahil naging bahagi siya ng show na patuloy na humahasa ng kanyang hosting skills. 

“I feel so blessed na I'm here and I'm given this opportunity to showcase myself, my personality, and my talent.” Masaya naman si Jeremy na sa pamamagitan ng kanyang show na PAK PALONG FOLLOW na napapanood tuwing Linggo (4 pm-6 pm)ay nakapagbibigay sila ng pagkakataong mag-shine ang content creators. “Sa PAK PALONG FOLLOW we give the platform to content creators to show their talents. And then we give them the opportunity to be exposed sa mga katroPIE natin,” paliwanag niya. Mula naman Lunes hanggang Sabado, masasaksihan ang iba't-ibang talentadong Pinoy sa “Ekstra Ordinaryo” (4 pm to 5 pm) at “Ekstra Ordinaryo Next Level,” ang dalawang interactive artista search shows para sa mga nangangarap na maging extra o artista sa pelikula o telebisyon. 

Ang “Ekstra Ordinaryo Next Level” ay magkakaroon ng kauna-unahang grand PIEnals ngayong linggo kung saan magpapakitang-gilas ng kanilang mga talento ang finalists na sina Mustafa (Ang Ekstrang Action Dad ng Tarlac), Popsy (Ang Ekstrang TikTokerist ng Tarlac), Juan (Ang Ekstrang Future Direktor ng Manila), Neo (Ang Ekstrang Dreamboy ng Manila), Rinoa (Ang Ekstrang Prinsesa ng Pamilya ng Cavite), at Minnie (Ang Ekstrang Adventurer ng La Union) para sa pinagtutunggaliang titulo. Ang PIE ang kauna-unahang multiscreen, real-time interactive TV channel na mapapanood sa website nitong pie.com.ph, YouTube (http://youtube.com/iampieofficial), Sky Cable Channel 21, at Cablelink Channel 100. Ito ay isang proyekto ng ABS-CBN, Kroma Entertainment, BEAM, at 917 Ventures.

No comments:

Post a Comment