Sunday 23 October 2022

Marc Cubales says :"Cosmo Manila King and Queen 2022" is a pageant with a cause

 

 By Archie Liao

Masaya ang event organizer at producer na si Marc Cubales dahil balik na naman ng face to face events sa new normal. Matagal din kasing nasabik ang mga Pinoy sa live entertainment shows na ipinagkait ng pandemya. Kaya naman, itinuturing niyang fitting event para sa kanya ang pabuwena-mano niyang Cosmo Manila King and Queen 2022, isang beauty pageant na layuning bigyan ng pagkakataon ang wannabe models na matupad ang kanilang mga pangarap. "We're back to normal.

As a producer, I would like to be the first to produce a sexy pageant competition, a bikini pageant in a very nice venue, "aniya. Dagdag pa niya,walang katumbas na kasiyahan din daw para sa kanya ang makapagbigay siya ng trabaho sa mga taong naapektuhan ng pandemya at maging instrumento sa mga dating modelong katulad niya na magpursige sa buhay. *Higit sa lahat, para makatulong at magbigay saya na rin sa mga agent at models ng sexy pageant show," paliwanag niya. 

Hirit pa niya, kumpara sa ibang beauty pageants, ang Cosmo Manila King and Queen 2022 ay isa raw pageant with a cause. "Yung feeling na nakakapagbigay ng work through producing is good. Maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production sobrang gagaling at honestly ramdam ko yung dedication nila sa work. So deserve nila talaga na bumalik at magkaroon uli ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila," sey pa niya. Ang coronation night ng Cosmo Manila 2022 King and Queen ay gaganapin sa Nobyembre 5, 2022 sa SM Skydome North Edsa. 

Ang mga opisyal na kandidato sa titulong Cosmo Manila Queen 2022 ay sina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, Morena Carlos, at Deberly Bangcore. 

Palaban naman sa titulong Cosmo Manila King 2022 sina Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Curt Del Rosario, RJ Absalud, Allen Ong Molina, at Chadd Solano. 

Hosts sa pinakaabangang bikini event sina Michael Bristol, Joy Barcoma, at John Nite, samantalang special guests sina Paul Salas, Kris Lawrence, Sex Bomb New Gen at Batang Mama. Iprinodyus ng MC Production House ni Marc Cubales, kasama sa production team sina Edz Galindez bilang supervising producer,Leklek Tumalad bilang casting director at Bembem Espanto bilang over-all director. Ang tickets sa Cosmo Manila King and Queen 2022 ay mabibili na sa SM Tickets. Para sa karagdagang detalye, tumawag o mag-text sa 09667088434 o 09602533903. Bahagi ng kikitain ng show ay mapupunta sa Cosmo Foundation: Gintong Palad & Balikatan Foundation.

No comments:

Post a Comment